Allerice Aguiar's POV
Bawat oras na lumilipas ay mistula ginto. Napaka-halaga ng kada-minuto na tumatakbo. Siguro dahil bilang na lamang ang mga ito... senyales na rin na maya-maya lang ay kakaiba lahat ng mangyayari... Lunes na!
Kinakabahan man sa pagpasok, kailangang harapin ko 'to dahil parte ako ng lahat ng nangyayari ngayon.
Si Darren kaya? Makaka-pasok na? Hindi pa kasi kami nagkikita simula nung araw na 'yon. Hays... basta ang iniwan niya lang na pangungusap ay 'See you on Monday.'
Ibig sabihin ba non ay makakabalik na siya sa Romance high? Tsk! Naguguluhan na ko!
Napabalikwas ako sa gulat ng biglaang pagtunog ng alarm. Hindi man lang ako nakaidlip, punong puno kasi ng katanungan ang isip ko sa mga pwedeng mangyari mamaya pagpasok ko.
Kahit hindi man lang nakatulog ay bumangon na ako para maligo. Bahala na sa mangyayari...
Natapos akong mag-ayos at hinanda na lahat ng gamit ko kung may naiwan ba ako o wala... paalis na sana ako ng mapatingin ako kay Mama... Teka, bat tulog pa si Mama? Hindi ba siya papasok?
Unti-unti akong lumapit para sana gisingin siya kaso nakuha ng isang bagay ang atensyon ko...
Unti-unti akong kinabahan sa nakita ko... Oh my god!
Kitang kita sa ilalim ng unan na pinapatungan ng ulo ni Mama ang isang baril at hindi lang iyon... may kasama pa itong envelope na sa tingin ko ay naglalaman ng pera base sa itsura nito... s-san yan nakuha ni Mama?
O ang tanong...
B-bakit may ganyan si Mama?
Dahan-dahan akong umatras at natatakot na makagawa ng ingay na ikagigising ni Mama dahil natatakot ako sa mga pagkakataong ito sa kanya... parang hindi ko siya kilala, pansin kasi ang unti-unti niyang pagbabago netong mga nakaraang araw lang.
May masama na talaga akong nararamdaman sa mga nangyayari ngayon. Hays.
Mas minabuti kong umalis na lamang at pumasok na keysa kung ano pang maisipan ko.
Naging normal naman ang lahat habang naglalakad ako patungo sa Romance High. Papasok na rin ako ng gate ng may humatak sa braso ko upang malayo ako mula sa gate ng Romance High.
Nanatili akong kalmado kahit na nagtatakha ako sa biglaang pagsulpot ng isang 'to.
Ngumiti siya na lalong nagpaganda sa kanyang mukha. Mukha naman talaga siyang manika, oo dahil bukod sa maganda... plastik pa. Tss.
"Hi Alley, missed me?" nakangiting tanong ni Yuan na inismiran ko lang.
Pakealam ko ba sa kanya?
Hinatak ko ang braso ko mula sa pagkakahawak niya na siyang ikinangisi niya bigla. Ano bang sapak nasa ulo neto?
Maglalakad na sana ako ng biglaan siyang magsalita.
"So tell me... do you really think Darren loves you? Or should I say... did he?" napahinto ako, pero di rin nagtagal ay humarap sa kanya ng naka-taas ang noo.
Tanong ba naman yan? Psh.
Pyansang pyansa ako na sumagot.
"Oo." sabi ko habang inaalala kung paano niya ipinaparamdam na mahal niya ako. Hindi ako magpapalinlang sa kanila, dahil lahat ng salitang sasabihin nila ay tila lason. So bakit ko tatanggapin?
Bigla naman siyang tumawa na parang may joke akong sinabi.
Ganyan ba siya mabaliw? Mukang tanga lang ah.
![](https://img.wattpad.com/cover/99349782-288-k67132.jpg)
BINABASA MO ANG
Romance High
RomanceIsang paaralan kung saan ang pagkakaroon ng 'lovelife' ay masyadong bigdeal. Hindi pwede ang nag-iisa, hindi pwede ang NBSB, hindi pwede kung wala kang partner. They believe that things are better when you have your 'partner'... duh? Pwedeng gawin...