Allerice Aguiar's POV
Hapon na rin ng makauwi ako sa bahay dahil traffic ang naging biyahe kanina. Kaya eto ako ngayon at latang-lata na naglalakad di kalayuan papunta sa bahay namin.
Hindi ko na pinapayagan si Zian na ihatid ako hanggang sa tapat mismo ng bahay namin dahil baka sa susunod ay magdaldal na ang mga kapatid ko lalo na't 'pag andyan si Mama. 'Pag nagkataon hindi ko alam ang ipapaliwanag ko.
Papasok na ako ng bahay ng may maramdaman akong mga matang nakamasid sa akin kaya awtomatiko akong napaharap sa likuran ko.
Shit...
Agad kumalabog ang dibdib ko matapos makita muli yung lalaking naka-itim na mask at naka-jacket na itim na naka-ngisi sa akin at may baril na nakatutok sa pwesto ko mismo.
Hindi ako naka-galaw at na-estatwa ako sa tapat mismo ng pintuan ng bahay namin.
Walang katao-tao sa paligid para mapaghingan ko ng saklolo.
Patuloy ang mabibigat na hininga ko at ang kabang pabilis ng pabilis. Butil butil na rin ng pawis ang nararamdanan kong umaagos mula sa noo ko.
Nakatingin lang ako sa kanya ng puno ng takot.
Akala ko sa isang iglap hahandusay na ang katawan ko sa tapat mismo ng bahay namin pero hindi... ibinaba niya unti-unti ang nakatutok na baril niya sa akin at naglakad palayo.
Medyo nakahinga ako ng maluwag pero nanatili akong windang sa nangyari.
May kailangan ba siya sa akin? O sa pamilya namin? Wala naman akong naaalala na may naging atraso ang pamilya namin sa kahit na kanino.
Mas minabuti ko na pumasok na muna sa bahay ng maalala ko ang mga kapatid ko.
Nadatnan kong tuwang-tuwa silang naglalaro... hays, buti naman at ligtas sila.
"Ate Alley!" sinalubong nila akong dalawa ng yakap kaya't di ko maiwasang mapaisip para sa kainosentehan nila.
Paano kapag sila naman ang ginanon ng kung sino man yon? Natatakot na akong iwanan sila dito.
Bakit kasi may ganoong pangyayari?
Sabihin ko kaya kay Mama? Eh ang kaso baka pati si Mama magulo at hindi makapag-trabaho ng maayos. Ayoko naman maging kawawa ang kalagayan namin lalo.
Ibinaba ko ang bag ko at nagpalit ng pambahay na damit.
"Ate, bakit ngayon ka lang?" tanong ni Ambrea na nakasunod sa akin papuntang CR.
Nginitian ko lang siya bago sumagot. Bagabag pa rin ang isip ko sa nakita ko. Hays, may pakiramdam talaga akong masama eh. Sana talaga pakiramdam ko lang 'yon.
"May inasikaso lang kami sa school." maikling sagot ko tuluyang pumasok sa CR.
Paglabas ko ay saktong nadatnan kong wala na ang dalawa kong kapatid.
Shit!
Agad akong tumakbo papalabas at kabang-kabang nagpalinga-linga. Shit! Nasaan na sila?!
Naglakad ako palabas ng bahay at kung saan-saan nagpupunta para hanapin sila Ambrea at Abreu.
Saktong maiiyak na ako at napasalampak sa kalsada ng may mga kamay akong naramdamang kumapit sa likod ko kaya't napaharap ako sa likod ko.
O_________O
Eh?
"Tss."
Nagsimula na namang uminit ang pisngi ko sa hindi ko na naman malaman na dahilan. Shit! Nawawala ang mga kapatid ko ngayon at hindi dapat ako nag-aaksaya ng oras pero bakit ganito?

BINABASA MO ANG
Romance High
RomanceIsang paaralan kung saan ang pagkakaroon ng 'lovelife' ay masyadong bigdeal. Hindi pwede ang nag-iisa, hindi pwede ang NBSB, hindi pwede kung wala kang partner. They believe that things are better when you have your 'partner'... duh? Pwedeng gawin...