Chapter 22

700 19 9
                                        

Allerice Aguiar's POV

Hindi ko alam kung anong sumapi sa akin pero iniisip ko pa rin hanggang ngayon yung sinabi ni Zian.

Sino ba naman kasing hindi mapapaisip, di'ba? Biglaan ba naman niyang sabihin na kukunin namin ang title na 'Most romantic couple' eh hindi nga namin mahal ang isa't-isa.

Paano naman magwowork yun? Tss.

At buti na lang din talaga paguwi ko hindi na ako tinanong ng tinanong ni Mama tungkol sa pinuntahan ko at kung tanungin man niya ako ay agad na reresbak sila ShaSha para back-upan ako. Kahit papaano swerte ako sa mga kaibigan ko.

Sa mga pagkakataong ito tulog na ang lahat. Ako na lang ang gising, siguro dahil natulog ako kanina sa biyahe.

Ano kayang mangyayari bukas? Marami kayang mang-haharot kay Zian pag-pasok namin?

Kailangan pa bang itanong 'yon? Psh.

Tinangka kong matulog at ilang minutong pinikit ang mata ko pero hindi lang talaga ako mahulog-hulog sa kalaliman ng panaginip ko. Urgh!

Ilang beses rin akong nagpagulong-gulong, lahat na tinry ko pero wala eh... hindi talaga ako makatulog.

At dahil nabuburyo rin naman ako, naisipan kong bumangon at lumabas ng bahay.

Pagtapak pa lang ng mga paa ko sa labas ng pintuan ay dumapo na agad sa balat ko ang malamig na singaw ng hangin. Alas-dose na rin kasi ng madaling araw.

Naupo ako sa tapat ng bahay habang nagpapa-antok na nakatitig sa kawalan.

Kamusta kaya si Darren ngayon?

Patuloy ako sa pag-iisip ng may matanaw akong isang lalaking naka-sumbrero at naka-jacket na itim sa di kalayuan.

Pakiramdam ko biglang nangatog ang buo kong katawan ng matanaw na sa akin siya nakatingin.

Agad nagsimulang kumalabog ang dibdib ko sa kaba at takot. Walang anu-ano akong pumasok sa bahay dahil nakaka-takot yung lalaki at isa pa... hindi siya familiar sa akin na taga-dito siya sa lugar namin nakatira.

Sino ba yon? At bakit pakiramdam ko matagal na siyang nagmamasid katulad ng kanina?

Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba yung masama niyang tingin o ano eh. Ang alam ko lang nakaka-takot siya at may kung anong pakiramdam siyang ibinibigay sa sistema ko na hindi ko maintindihan.

Napuno ng mga katanungan ang utak ko. Bakit parang may mali? Parang marami talagang mali eh... pakiramdam ko lang ba talaga o meron talaga?

Aish! Bakit ba masyado kong ini-stress ang sarili ko sa mga bagay-bagay eh may pasok pa ko bukas. Tss.

Pero hindi ko pwedeng galawin kung ano man yung bumabagabag sa akin dahil baka may mabuksan pa ako na  pagsisisihan ko lang sa huli.

Bumalik ako sa pagkakahiga na parang walang nangyari. Mas mabuting itigil ko na ang pag-bibigay ng atensyon sa mga bagay na wala namang kwenta.

Muli kong ipinikit ang mga mata ko at binura lahat ng laman ng utak ko.

Binalot ng kadiliman ang diwa ko at unti-unti akong nawawala sa realidad...

--

Nagising ako sa ingay na gawa ng alarm sa cellphone ko.

Alas-kwatro na ng madaling araw at maghahanda na ako papasok dahil Lunes na naman at panibagong simula na naman.

Naligo na ako at pagkatapos ay ginawa lahat ng kadalasan kong ginagawa tuwing papasok ako.

Handa na akong umalis at tinignan ko ang oras sa cellphone ko na nagsasabing meron na lamang akong
30 minutes para maglakad patungong Romance high.

Romance HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon