Chapter 11

922 25 0
                                    

Plug:

Again, kung interesado o trip mo ang mga horror, thriller or Mystery types ng libro.

Maaari mo ring basahin ang "Midnights" na story ko.

-Salamat.-

Allerice Aguiar's POV

Ang lakas ng topak ng mga tao dito ah, hindi lang pala sa kompanya nila pogi malalakas topak ng mga tao. Pati pala dito sa Romance high. Baket?

Naglalakad lang ako sa Field eh nagtinginan na ang mga tao. At hindi lang yun ah... mga nagbubulungan sila na akala mo isa akong halimaw na naligaw sa Romance high.

My ghad! Ano bang pinakain sa kanila ng canteen at nauurat mga utak nila.

Tinignan ko kung anong oras na.

8:13 a.m

Tch. Nasan na ba 'yon si pogi? Antagal eh. Di na ko makatiis sa lugar na 'to. Puro baliw-baliw mga tao.

Sa ngayon naka-upo lang ako sa bench na nasa ilalim ng puno. Ang boring. Tsk!

Nakatingin lang ako sa mga tao na nasa paligid ko. Pinapanood ko silang lahat sa kanya-kanya nilang agenda.

"Tungunu. Antatag naman 'non." bulong ko dahil may nakita akong naghahalikan sa gitna ng Field. Hindi lang basta kiss dahil SOBRANG kiss ang tawag doon.

Napairap tuloy ako at iniba ang paningin ko.

Patingin-tingin lang ako sa paligid at panay tingin din sa relo ko.

Susunduin ba talaga ako ni pogi? Antagal. Urgh!

Eh kung maglakad-lakad kaya muna ako? Eh ang problema paniguradong quo-quotah ang mata ko sa mga makikita ko. Wag na nga lang!

Napagpasiyahan kong i-text na lang si Zian.

To: Pogi

Wer na U? Tuod na is Me.

Matapos ma-sent ay naghintay na naman ako.

Naramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko sa bulsa ng palda ko kaya't kinuha ko ito.

Pashnea. Ano 'to?

Naku! Expired na ang iyong Comboall10.  Baka gusto mong subukan ang mas pina-sulit na Combo10!  May unli texts to all networks at 60minutes na tawag to TM/Globe, P10 lang! Valid for 1 day!  I-text ang C10 sa 8080 para mag-register. Ibang promo ba ang hanap mo? Dial *143# for free.

Halos maibato ko ang cellphone ko matapos malaman na expired na pala ang load ko. Bakit nag-sent naman? Pinaglololoko ba ko ng TM?

Urgh! Nakaka-bwiset! Nasan na ba kasi si Zian?!

Inis akong tumayo at lumakad patungong Parking lot ng Romance high. Doon ko na lang siya aabangan.

Nakarating ako doon at umupo sa isang gilid sa medyo walang mga kotse.

Urgh! Nagugutom na ko!

Naka-yukyok ang ulo ko sa tuhod ko at pumikit. Gusto ko ng umuwi! Pashnea naman kasing pogi yan bat hindi mag-advance? Bakit naman kasi hindi niya sinabi sa'king hindi na dapat ako pumasok, di'ba?

"Baby, are you sure?"

"Yes babe. Desidido na akong sa'yo ibigay ang Perlas na brilyante."

Kumunot ang noo ko sa narinig ko.

What the fuck? Kailan pa nagkaroon ng 'Perlas na brilyante'?

Romance HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon