Allerice Aguiar's POV
Pansamantala kaming huminto dahil kanina pa ako nangangawit kaka-ngiti.
Nakaka-pagod din palang magpa-cute ng magpa-cute.
"Break muna!" sigaw nung parang direktor na si Kuya Mel.
Umupo ako at tahimik na nagpahinga. May lumapit sa aking isang tauhan dito na assistant ata sa pag-aayos ng mga camera.
"Hi." naka-ngiting bungad niya at umupo pa sa tapat ko.
Hindi ko balak magpaka-maldita pero ako kasi ang mayayare kay pogi kapag naging friendly ako lalo pa't oras ng trabaho ngayon at hindi ng pakikipag-kaibigan.
Inisnob ko siya at buryong tumingin sa pintuan. Hindi ko alam kung bakit inaantay ko si pogi na pumasok dito eh sinabi na niya nga'ng hindi siya makaka-panood sa'kin.
"Hinihintay mo ba si Mr. Archeletta? Hindi yun pupunta dito. Hindi pa nga namin nakikita yun eh." takha at gulat akong napa-tingin sa lalaking nasa harapan ko.
"What do you mean?"
Parang ang imposible naman kasi non. Hindi pa nila nakikita si Mr. Zian? Eh nandito nga siya kanina, di'ba? O baka naman hindi lang nila natyetyempuhan. Kilala nga siya sa building na 'to dahil niyuyukuan pa siya kanina pagpasok niya.
"I mean, hindi pa namin namemeet ang tunay na may-ari ng kompanyang ito. Yung anak lang niya ang paminsan-minsang nandito si Zian."
O_______O
Eh?
Bakit ganon? Eh ang pagkaka-alam ko si Zian naman talaga ang may-ari eh. Ewan pero basta ang pagkakaintindi ko ay siya na talaga ang nagpapatakbo ng mga kompanya na pag-aari ng pamilya niya.
Parang may kutob ako. Bahala na nga!
"Okay." bored kong sagot sa kanya at tumayo na.
Pumunta muna ako sandali sa CR dahil tatawagan ko si Zian.
Pakiramdam ko ang weird ko na.
Nakarating ako sa loob at agad na nilock ang pintuan para solohin itong CR dahil ayoko naman na may makarinig na kausap ko ang anak ng owner daw na si Zian.
Naka-ilang ring na ay wala pa ring sumasagot.
Baka naman busy siya at nakaka-istorbo na ako?
Wag na nga lang, wala rin naman akong sasabihin eh.
Hay! Baliw na ata ako.
Palabas na ako ng CR ng saktong mag-ring ang cellphone ko.
Si pogi tumatawag!
Halos mataranta ako sa pagsagot ng tawag niya. Bakit ba ang O.A ko na ata?
"Hello? Pogi?" bungad ko.
Tahimik ang kabilang linya pero ramdam kong nakikinig lang siya sa sasabihin ko kaya magkukwento na lang ako.
"Uhh–tungkol doon sa sinabi mo. Para saan ba 'yon? Sa Pictorial ba o sa pakikitungo ko sa mga tao dito?" tanong ko na ang tinutuloy ay yung sinabi niya.
Wala pa rin akong nakukuhang sagot kay Zian kaya medyo naaasar na ako. Tch, nawalan ba siya ng bibig?
Nanahimik lang din ako at nakisabay sa katahimikan niya. Patibayan na lang.
Maya-maya lang ay narinig kong may kinausap siya pero hindi ako. Tss.
"Ibababa ko na nga. Nice talking ka eh."

BINABASA MO ANG
Romance High
RomanceIsang paaralan kung saan ang pagkakaroon ng 'lovelife' ay masyadong bigdeal. Hindi pwede ang nag-iisa, hindi pwede ang NBSB, hindi pwede kung wala kang partner. They believe that things are better when you have your 'partner'... duh? Pwedeng gawin...