Allerice Aguiar's POV
Eto na, konting oras na lang at makikita ko na ang lalaki na iyon.
Hindi pa man ako handa, kailangan dahil nandito na at hindi ko pwedeng basta na lang talikuran ito dahil trabaho ko ito. Kahit na hindi naman counted sa pagiging model ko 'to.
"Wifey? Ayos ka lang ba? 'Bat antahimik mo? Gusto kong maingay ka, natatakot naman ako sa'yo eh." pagharap ko, nakanguso si Darren.
Ang cute niya. Lalo pa't alam ko ang pakiramdam ng mga labi na 'yan. Urgh! Ano bang nangyayare? Piling ko nagiging manyak na ko!
"Ayos lang ako, no! Ano lang uhh—"
"Why? Are you bothered to see my reactions when I talk to him?"
H-huh? Ano daw?
"H-hinde! Ano kasi... hindi mo pa kilala si p-Xian eh." naka-yukong sagot ko habang pinaglalaruan ang uniporme ko.
Malapit na kasi kami sa Romance high at ihahatid daw ako ni Darren para mag-enroll na siya at para na rin kausapin si Zian na tapusin na ang kontrata niya bilang boyfriend kuno ko.
Kinakabahan ako dahil bilang si Zian? Hindi siya papayag. Hindi talaga. Pero kinakabahan ako para kay Darren dahil baka mapano siya. Hindi ko naman siya masabihan na wag na lang niyang kausapin si Zian dahil baka ano pang isipin niya at isa pa... gusto ko rin namang bumalik na kami ni Darren sa dati.
Pero hindi ba't parang ang sama ko lang? Matapos mapakinabangan ni Zian... hahayaan ko na lang na umalis siya. Naging importante na rin siyang parte sa akin kahit papano.
Pumasok ang sasakyan sa gate at idiniretso ito ni Darren sa parking lot. Pagkaparada ay umikot siya para pagbuksan ako ng pinto.
Urgh! Simpleng bagay na nagpapakilig sa akin.
"Wag kang mag-alala, akong bahala 'don." paninigurado niya at hinawakan ang kamay ko.
Shit... kung dati kinikilig ako kahit alam kong peke lang, ngayon sobra na ang kilig ko dahil totoo na 'to...
Sabay kaming naglakad patungo sa Principal's office.
Habang naglalakad papunta dito ay medyo nagulat pa ako sa biglang pagsulpot ng isang babaeng familiar.
... saan ko ba siya nakita?
Ah oo! Siya yung babaeng nakatira sa mansion na pinaglaruan namin nila Sasha at Francine yung door bell. Ano nga ulit pangalan niya? At anong ginagawa niya dito sa Romance high? Dito ba siya nag-aaral?
Mukang namukaan niya ako kaya't agad niya akong nginitian. Napatingin rin siya kay Darren...
Ang lagkit ng tingin niya huh.
Tss. At kung makangiti sa akin akala niya naman magmumuka siyang mabait doon? Plastik.
"Hi. Yuan Buenaventura." sabay lahad niya ng kamay niya sa harapan ni Darren.
Aba! Ang kapal ng muka neto ha! Bastusan?
Kinapitan ko si Darren sa balikat sabay ngumiti sa kanya ng plastik.
"Excuse me, Yuan. Pero allergic siya sa mga plastik. Bye." at walang senyas-senyas na lumakad si Darren.
Mabuti naman at sanay sumakay 'to kundi makakalbo ko talaga 'to.
Buti na lang din at loyal siya. Hihi. Kinikilig tuloy ako.
Naasar yung chaka doll dahil rinig na rinig kong nanggigigil siya nung nilampasan namin. Buti nga sa kanya, wala kaming panahon para sa mga walang kwentang tao.

BINABASA MO ANG
Romance High
RomanceIsang paaralan kung saan ang pagkakaroon ng 'lovelife' ay masyadong bigdeal. Hindi pwede ang nag-iisa, hindi pwede ang NBSB, hindi pwede kung wala kang partner. They believe that things are better when you have your 'partner'... duh? Pwedeng gawin...