Chapter 8

1K 34 0
                                    

Again... thank you for your support. I may not be able to see who you are but I'm very very thankful to you for reading this.

We already reached 200 reads just by typing my nonsense thoughts.

Salamat dahil sa ganung panahon ay naka-200 reads agad ako. Masaya na ako don.

So again, support me hanggang dulo... I love you. (pwe) lol

~Kisses~

Allerice Aguiar's POV

Naestatwa ako matapos makita lahat ng tao at mata na nakatutok sa akin ngayon.

Halos himatayin ako sa agaw-eksena na pagbukas ko ng pinto.

"Oh, she's here... Gentlemen I want you all to meet... our company's new model... Ms. Queency Lyn." nagulat ako lalo na ng magpalakpakan ang iba sa sinabi ni Zian.

Teka, ako ba ang tinutukoy niyang Queency Lyn? Kailan pa naging Queency Lyn ang pangalan ko? Wait... ayun na ba ang bago kong pangalan?

Oh my god! Hindi na ako si Allerice! Simula ngayon makikilala na nila ako bilang si Queency Lyn. Maganda sana yung pangalan kaso ang personality ni Queency Lyn ay hindi ko gusto.

Ang sabi ni Zian kanina sakin pagkarating namin ay dapat raw akong mag-act na maldita at snobber.

Buh? Hindi naman ako sanay magmaldita, no! Bakit ba kasi kailangan pang mag-bago?

Pero dahil utos niya at dito nakasalalay ang career ko, kailangan kong sumunod. Kung hindi, hindi magwowork ang trabaho ko at hindi ako makaka-ipon ng pera para sa pamilya ko.

Ang ipinagtatakha ko lang ay bakit kailangang magbago?

Model naman ang gagampanan ko diba? At hindi artista, pero bakit kaya kailangang magbago? Anggulo ni Zian ah.

Naglakad ako papasok noon ng taas-noo at naka-poker face. Sana gumana to! Huhu sana gumana. Dito nakasalalay ang career ng isang Queency Lyn na pagkatao ko.

"Please take this seat, Ms. Lyn." offer ni Zian sa bakanteng upuan na nasa tabi niya.

Agad akong umupo doon at nanahimik pero pinapanatili pa rin ang confident.

Ang hirap nito ah! Yung mag-feeling maganda ka.

"Ehem... I'm already approving your proposal for this new project." nakangiting biglang sabi ng isang matanda habang nakatingin sa akin.

Kahit naiilang ako ay mas pinili kong taas-noo na nananahimik sa isang tabi. Huhuhu, ang hirap! Sana matapos na 'tong meeting.

"Yeah, I also love the concept. So far, I'm also agreeing." sabi rin ng matandang babae.

Napuno ang paligid ng puro pag-sang-ayon.

Oh my god! Gumana na ba ang charms ko?

"Okay. So it seems like you all agreed in terms of our new project in Fancy club corporation. And this project seems to be more powerful with the help of each every investors here. I'am glad to work with you all. And I'm expecting to launch this project as dominant amidst them. Meeting dismissed." nagsitayuan ang mga tao sa loob nitong meeting room matapos sabihin yan ni Zian.

New project pala 'to? Akala ko luma na tapos model lang ang pinalitan. Tss, bakit kasi hindi muna niya nilinaw sakin eh, no?

Nang maubos na ang lumalabas sa pinto ay lalabas na rin sana ako kaso may humawak sa braso ko para pigilan iyon.

Takha ko namang hinarap si Zian dahil don. Dalawa na lang kaming naiwan dito sa meeting room. Tsh, tinotoyo na naman ata sya.

"Ano na naman?" nakakunot ang noo na tanong ko sa kanya.

Nagulat na lang ako nung biglaan siyang ngumiti.

O_____O

Anong nangyare?

Ayan na naman yung nakaka-distract niyang ngiti.

Sabi ko na may toyo talaga si pogi eh! Kanina lang nakakatakot tapos ngayon mepangiti-ngiti na naman?

Aba't! Natatakot na'ko dito kay Zian ah! Baka mamaya bigla na lang siyang mangagat. Tss.

"Thank you, Alley." nakangiting sabi niya.

"Huh? O-oo na! Oo na! Tss. May toyo ka eh, no?" pagsuko ko at inagaw ang braso ko.

Natawa naman siya sa inasta ko. Anong nakakatawa don?

"Hahahahaha you really are funny." natatawang sabi niya.

"Babaw mo. Tss, ihatid mo na nga lang ako uuwi na ako." pag-iiba ko ng usapan.

Tumigil siya sa pagtawa at tinignan ako sa muka ng seryoso.

Ayan na naman siya sa pagiging seryoso niya, nakakatakot eh.

"Not yet, Queency. Let's have lunch together, tutal naman ay succesful ang pagganap mo kanina, at dahil na rin matagumpay ang project na 'to." pag-aaya niya.

Nagugutom na rin naman ako kaya't hindi na ako magpapa-bebe.

"Okay." tipid na sagot ko at naunang maglakad kaya sumunod naman siya.

Naglalakad kami habang lahat ng nakakasalubong namin ay yumuyuko.

Wow. Feeling ko reyna ako dito kahit trabahador lang din naman ako kagaya nila.

"Don't forget to wear your personality, Queency. You're still inside this company." paalala ni Zian kaya nagpanggap na naman akong maldita at snobber.

Habang tumatagal nafe-feel ko na 'to ah!

Taas-noo habang naka-fierce lang akong naglakad habang nasa gilid ko si Pogi. Piling ko tuloy nasa Hollywood kami hoho.

Halos lahat ng nakakasalubong namin ay yumuyuko lang pero halatang walang pake sa paligid. Tss, pag nasa labas ba sila ng building na 'to ganyan pa rin sila?

Nakarating kami sa Parking lot ay agad na binuksan ni Pogi ang pintuan ng kotse para sa'kin.

Gentleman naman pala ni pogi eh, may toyo-toyo lang konti.

Agad akong sumakay, ganun rin siya.

Tahimik ang byahe at walang nagsasalita. Ang boring. Tumingin na lang ako sa bintana dahil antahimik nitong si pogi. Nakakatakot na naman tuloy siya.

"About dun sa project." agad akong napatingin sa kanya nung magsalita siya pero tutok pa rin ang paningin niya sa daanan.

"Ano yun?" interesadong tanong ko.

"Sorry If I didn't explain it that specifically to you." seryosong sabi niya.

Oo nga eh. Hindi niya nga inexplain ng maayos. Ang dami ko ngang tanong sa utak ko eh. Pero ayaw ko na lang ilabas, mas okay naman na ang lahat eh. Nakaka-bigla lang.

"Okay na yon. Ang mahalaga may trabaho, tss." bulong ko at muling tumingin sa bintana.

"So tell me Alley, why are you so eager to have a job? I mean... masyadong magulo ang sinabi ko sayo tungkol sa trabahong ito. Why?" tanong niya.

Maski ako hindi ko rin alam ang sagot eh. Basta ang alam ko lang kailangan ko ng makatulong kay Mama.

"Siguro dahil nakikita kong nahihirapan na si Mama. Hangga't kaya ko na magsisikap akong tulungan siya." sagot ko.

Tumahimik muli ang paligid bago kami huminto sa isang Parking lot ng restaurant.

"Nice reason." sabi niya at lumabas ng kotse para pagbuksan na naman ako.

Hays. Sana magtuloy-tuloy na ang swerte ko para mai-ahon ko na ang pamilya ko.

Sana sa pagkakataong ito nasa side ko naman yung swerte.

__

Feel free to PM me kung may reklamo or whatever na nais mong sabihin.

~Salamat.

Romance HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon