Allerice Aguiar's POV
Dumating na ang araw na katapusan ko na. Kinakabahan ako habang nag-aayos ng sarili ko dahil papasok na ako. Hindi ko masasabi kung makakatagal pa ako o hindi na dahil ngayon ang araw na hahatulan na ako mula sa pang-iiwan sa akin ni Darren.
"Allerice umamin ka nga... bakit nag-iba ang itsura mo? May hindi ka ba sinasabi sa'kin?" napalingon ako kay Mama na masinsinan akong sinusuri ng mga mata niya.
Paano ko ba sasabihin 'to?
Hindi pwedeng malaman ni Mama na nagtatrabaho na ako lalo pa't ang trabahong pinasukan ko ay masyadong magulo. Baka mamaya paalisin pa ako ni Mama. Yun ang hindi pwede dahil nakapirma na ako.
"Uhh—Mama kasi nga ganito yon... nilibre ako nila Francine at ShaSha kahapon dahil may pinuntahan silang kasal kaya nagpa-ayos sila. Ganern!" pagsisinungaling ko.
Sorry Mama... para sa inyo naman 'to kaya ko ginagawa eh. Hays.
Muka namang nakumbinsi si Mama kaya't umalis na siya at eto na naman ako ngayon... kinakabahan na naman dahil natatakot ako sa mangyayari mamaya lalo pa't hindi pa rin alam ni Mama yung tungkol sa school ko na maki-kick-out na ko.
Juskolord bakit ganitong problema binigay niyo sa'kin? Huhu.
Naglalakad na ako ngayon papasok ng Romance high habang tinatawag lahat ng Santo na sana... sana talaga may hulog ng langit na dumating at mailigtas ako sa bingit ng ka-kick-out'an.
Habang naglalakad ay parang may kakaiba akong nararamdaman. Tinignan ko ang paligid ko at meron nga'ng kakaiba!
Tumitingin sa akin lahat ng tambay o kapitbahay namin habang naglalakad ako.
Wow ah! Piling ko tuloy sobrang Dyosa ko at ganyan sila makatitig sa akin.
Dinedma ko lang sila at nagpatuloy sa paglalakad at nung papasok na ako ay nagulat ako sa biglaang pagharang sa akin nung guard.
Shit! Ano yan?
Nag-umpisa na namang kumaba ang dibdib ko.
"Uhh-ehh... k-kuya malalate na po ako." magalang kong pagkakasabi pero nanatiling nakaharang ang dalawa niyang kamay.
Anong gagawin ko? Lord eto na ba 'yon? Huhu tell me hindi pa! Di pa po ako ready sa ibang school! Please...
"Ikaw si Allerice Aguiar?" tanong nung guard.
Wait... alam ko na! Kahit ngayon lang sana gumana tutal iba naman ang itsura ko eh. Sana gumana!
"Huh? H-hinde ah! Si Allerice? Ako? Hello? S-s—si Queency Lyn kaya ako! Oo tama! Ako si Queency Lyn!" pagsisinungaling ko habang nagpapanggap na si Queency Lyn ako ngayon.
Muka namang nagtakha ang guard.
Effective ba?
"Ganun ba mam? Eh bakit kamuka niyo 'tong nasa picture? Di bale na nga! Osige na pwede ka nang pumasok!" sabi niya at umalis sa daraanan ko.
Whoo! Saved by my extremely make over. Hays.
Agad akong tumakbo papuntang Gym dahil walang mga tao ngayon doon at bawal naman akong pumasok sa klase ko ngayon dahil for sure ay hindi na ako pwede doon unless may dala-dala akong bagong boyfriend.
Ano nang gagawin ko ngayon? Yare na talaga ako. Tsk!
Naka-upo ako sa ilalim ng basketball ring at solo ko ang buong Gym.
Medyo madilim at nakakatakot pero di ko dama dahil sobrang problemado ako ngayon.
San ako dedekwat ng boyfriend niyan? Taeng yan!

BINABASA MO ANG
Romance High
RomanceIsang paaralan kung saan ang pagkakaroon ng 'lovelife' ay masyadong bigdeal. Hindi pwede ang nag-iisa, hindi pwede ang NBSB, hindi pwede kung wala kang partner. They believe that things are better when you have your 'partner'... duh? Pwedeng gawin...