Chapter 24

612 13 1
                                        

Allerice Aguiar's POV

"Hey."

Wag kang titingin, Alley.

"Tss. I'm talking to you, Allerice."

Aish! Bakit ang hirap deadmahin ni Zian? Tsk naman! Tinatry ko na nga ang lahat para hindi lumala 'tong nararamdaman kong crush sa kanya eh.

Buryo akong humarap sa kanya.

"Ano?"

Nakasakay kami sa kotse niya ngayon dahil uwian na. Didiretso kami ngayon sa company para tignan yung pinaka-unang labas na example nung product na minimodel ko.

"Why are you ignoring my questions?"

Kumunot lang ang noo ko sa tinanong niya.

Hindi ba obvious na nagkaka-crush na ako sa kanya?

"Tinatamad ako." simpleng sagot ko at iniiwas na naman sa kanya ang paningin ko.

"Does it still hurt?"

Umiling lang ako bilang sagot at pinanood ang mga puno na nadadaanan namin.

Bigla ko tuloy naalala si Darren. Hays, mali 'tong nararamdaman ko eh. Mali dahil nandon lang si Darren at umaasang pagbalik niya papakasalan niya pa ako.

Kinuha ko ang cellphone ko para tignan kung may paramdam na ba si Darren.

Shit... napaka-dami na pala niyang texts at tawag?

Bakit hindi ko narinig o tinignan? Aish!

Isa-isa kong tinignan lahat simula sa pinaka-luma.

From: Darren

I miss you... :(

Napa-ngiti ako at tinignan ang iba.

From: Darren

Hoy Alley! Baka may iba ka na dyan ah!

Medyo natawa pa ako ng konti dahil sa text kaya't napatingin sa gawi ko si Zian.

"Tinatawa-tawa mo dyan?" nakakunot ang noo na tanong niya.

"Wala. Mag-drive ka na lang dyan!" iritang sabi ko at hindi na ulit siya pinansin.

Psh. Pakielamero eh.

Halos lahat ng text ni Darren ay puro tungkol sa akin. Miss na niya raw ako, baka daw may iba na ako, baka daw hindi ko na siya mahal. Hays, namimiss ko na ang lalaking 'yon.

Tahimik ako sa buong biyahe hanggang sa huminto ang kotse sa Parking lot ay agad akong lumabas at hindi na hinintay ang pagbukas ni Zian ng pinto para sa akin.

"Wait."

Naglalakad na ako papasok sa building ng pigilan ako ni Zian sa pamamagitan ng paghawak niya sa braso ko.

"Bakit?" walang-ganang tanong ko para matago yung ilang ko sa mga tingin niya.

Dati naman hindi ako naiilang sa mga tingin niya eh. Ngayon masyado nang binibigdeal ng sistema ko. Hays.

Paano kaya kapag lumala 'to? Nakakasama ito, di'ba?

"May problema ka ba sa'kin, Allerice?" seryosong tanong niya habang nakatitig sa mata ko.

Agad akong napaiwas ng tingin dahil sa ilang na dulot nito bago umiling at inalis ang pagkakahawak niya sa braso ko.

"Wala. Pagod lang ako, Zian." at naglakad na ako.

Romance HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon