Chapter 27

499 10 2
                                    

Allerice Aguiar's POV

Kagaya ng dati, piling ko'y bumalik na kami sa dati. Ano na bang bago?

Nasa biyahe kami ngayon ni Zian papuntang office dahil may shooting daw ako ngayon. Artista na ata yung trabaho ko.

Tahimik na naman kagaya ng dati, walang umiimik ni-isa sa amin. Parang naging tahimik lalo si Zian simula kahapon, simula nung nanggaling kami sa Principal's office. Ano bang mali?

Tumingin ako sa gawi niya at seryoso lang siya.

Hays... parang dati lang.

Napasinghap ako ng biglaang maramdaman ang pagvivibrate ng cellphone ko sa aking bulsa.

Dali-dali ko itong sinagot.

"Hello?"

Nag-aantay ako ng sasabihin ng nasa kabilang linya, number lang kasi eh.

Tumagal ng mga dalawang minuto na naka-abang lang ako na may magsasalita, akala ko nga naka-patay na ang tawag pero 'pag tingin ko patuloy lang pala pero walang nagsasalita.

"H-hello? Sino ba 'to?" tanong ko.

Kinakabahan ako sa tawag ng hindi ko alam kung bakit.

[You lied, Alley... At alam mo yung masakit? Yung nandito na ako pero 'pag balik ko ano yung nadatnan ko? WALA... Wala na sa akin yung lahat, pero ikaw pa rin hanggang ngayon yung iniisip ko... bakit?] ramdam ko ang kalungkutan at pagsusumamo sa boses niya, ramdam ko ang sakit, ramdam ko ang pinanghuhugutan niya, alam kong nahihirapan siya... wala akong kwenta.

Hindi ko man lubos na maintindihan, isa lang ang alam ko... nandito na siya... si Darren.

Nakaka-gulat na agad-agad ay nandito na siya. Pero ano ako ngayon? Nakalimot na at nasaan ako ngayon? Kasama ang taong maaaring makasira sa kung ano kami ngayon ni Darren.

Walang salitang mabuo ang bibig ko. Hindi ko madepensahan ang sarili ko. Natameme ako sa paraang hindi dapat. Alam ko at batid kong mali ko lahat ng 'to... hindi sapat na puro 'sorry' ang sabihin ko dahil sobrang laki ng pagkukulang ko.

[Nasaan ka? Gusto kitang mayakap, gusto kitang makausap, gusto kong paglapag ko dito ikaw agad yung makikita ko pero ano, Alley? Your cellphone's not even permitting me to talk to you...  tatanggapin ko kung low batt ka, kung gumagawa ka ng assignments pero yung... fuck! Alley I want to see you... please?] hanggang sa pinaka-huling salita, rumupok ang boses ni Darren na nagawang pakawalan ang luhang parang dati lang siya rin ang dahilan.

Welcome back, Darren...

Napa-usod ako ng konti ng biglaang pumreno si Zian. Hindi ako tumitingin sa kanya, ayokong makiusisa siya dahil maririnig siya ni Darren kahit na alam kong alam ni Darren kung nasaan at sino ang kasama ko ngayon. Kaya nga siya nagkakaganito.

"W-wait..."

Wala ba kong kwenta? Para patayin ang tawag? Kasi kung oo? Paki-sampal nga ako. Hindi ko na alam ang nagagawa ko.

"Speak. Why are you crying?" seryosong tanong ni Zian, na tahimik na pinag-aaralan ang muka ko.

Umiling lang ako ang umiwas ng tingin. Ayokong malaman niya pa, hindi rin naman tatagal at malalaman niya.

Ang laking problema neto... sana kayanin ko.

"Alley, I want you to speak."

Umiling lang ako, wala siyang mapapala sa pagkausap sa akin.

Romance HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon