Allerice Aguiar's POV
"Mama wag! Ma please wag!" patuloy kong pigil kay Mama sa pagitan ng malalakas niyang pwersa at pilit na pagtuloy sa gusto niyang mangyari.
Ano bang nangyayari kay Mama? Hindi naman siya ganyan dati ah? At ngayon ano? Balak niyang patayin ang sarili niya?
"Ma! Ma itigil niyo nga yan! Sa tingin niyo aayos ang buhay na'ten kapag itinuloy niyo yan?! Para kayong baliw ma! Imbis na kayo dapat ang nagtuturo sa'min na magpakatatag, kayo pa ang nagpapakita ng kahinaan!" sigaw ko sa abot ng makakaya ko para matauhan siya. Nandito naman kami nila Abreu at Ambrea ah? Nandito naman kami para mas pagtuunan niya ng pansin keysa sa mga problemang ibababa lang siya.
Hindi lang naman kasi siya yung nahihirapan. Pati rin naman kaming magkakapatid. Sana naiisip ni Mama na kapag nawala siya mas lalo kaming kawawa, di'ba?
Parang nanghihinang binitawan ni Mama ang kutsilyo at nalaglag ito sa sahig kasabay ni Mama na napasalampak at hinang-hinang napa-iyak.
Parang binibiyak ang puso ko sa nakikita ko. Yung magulang mo mismong nahihirapan na at wala kang magawa.
Yung nasa harapan mo ang Mama mo na walang ibang magawa kundi ang umiyak. Hirap na hirap si Mama, naaawa ako kay Mama pero wala akong ibang maitulong.
Dinaluhan ko si Mama at niyakap habang parehas kaming umiiyak.
"M-ma naman eh... k-kaya naman na'tin, di'ba?... b-bakit kailangan niyo pang gawin 'yon?... p-para namang h-hindi tayo naka-survive ng 7 y-years na wala si Papa..."
Sa sitwasyon ngayon parang depressed na depressed na si Mama. Na kahit anong oras kaya niya ulit gawin yung kanina at tuluyan ang sarili niya. Kung hindi ako dumating malamang ay natuloy na niya 'yon. Hays, ang sakit isipin na si Papa nagpapakasaya habang ang pamilyang iniwan niya ay nagkakaganito.
Pero ang hindi ko maintindihan ay bakit naging ganyan si Mama? Biglang naging matapang si Mama? Simula nung sa tawag parang nag-iba si Mama. May mali eh...
May mali sa inaasta niya pero kung ano iyon ay mas mabuting panatilihin na sikreto kung hindi may tyansang gumulo...
"I-I'm sorry, a-anak... s-sorry kung pati kayo nadadamay, huh? S-Sorry..." ang makita ng harapan si Mama na umiiyak ay ang paglabas ng lahat ng kahinaan na dala ko.
Nakakahawa ang luha ni Mama na maging ako nararamdaman ko sa sarili kong wala akong kwenta.
Tumayo si Mama at pinunasan ang mata niya gamit ang kamay niya.
Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa pumasok siya sa loob ng CR.
Gaano ba kalaki ang dinadala ni Mama?
Gusto kong magtanong at tulungan siya pero si Mama mismo ang pumipigil sa'kin na gawin 'yon. May tinatago ba siya? Kung meron talaga... gaano ka-bigat at nagagawa si Mama'ng ganyan?
Tumayo rin ako at pumunta sa kwarto. Sandali akong umupo at nag-isip.
May tyansa bang malaking issue ang mabubuklat kung aalamin ko yung inaasta ni Mama?
Pero natatakot ako, kung aalamin ko man ay baka ikagulo pa ng lahat. Siguro sa ngayon mananahimik na lang muna ako, hihintayin ko yung pagkakataon na si Mama na mismo ang maglalabas ng nararamdaman niya at sa pagkakataon na 'yon ay handa na rin akong malaman.
*Ring ring ring*
Napabalikwas ako sa gulat ng biglaang pagtunog ng cellphone ko.
Tumatawag si pogi.

BINABASA MO ANG
Romance High
RomanceIsang paaralan kung saan ang pagkakaroon ng 'lovelife' ay masyadong bigdeal. Hindi pwede ang nag-iisa, hindi pwede ang NBSB, hindi pwede kung wala kang partner. They believe that things are better when you have your 'partner'... duh? Pwedeng gawin...