Allerice Aguiar's POV
"Perfect!" napangiti ako ng kusa pag-alis ng baklang stylist sa harapan ko dahil nakaharang siya habang inaayusan ako. Ayon kasi sa schedule ko, may pupuntahan kami para i-pamahagi ang bagong produkto ng Fancy club. Ang pinangalanang Violet's essential.
Dumiretso na kami ni Zian mula school dito sa building ng proyektong ito. Napag-alaman kong kada-kompanya niya ay may sari-sariling building. Nakakalito siguro iyon. At masyadong effort dahil pwede namang iisang building lang. Medyo nagbago ang mukha ko at kung titignan ako ay hindi na ako mukhang si Allerice. Mas mabuti na rin ito keysa kumalat ang pagmumukha ko sa media at makarating kay Mama.
Saktong pagtayo ko ay ang paglapit ng isang lalaki sa akin ng may ngiti.
"You look absolutely stunning, Ms. Lyn." bati ni Zian na siyang sinuklian ko ng ngiti.
"I know." at ang pangunguna ko sa paglalakad sa kanya ng taas-noo.
Naka-abang na sa parking lot ang maraming Van at mga staff na in-charge sa malawakang endorsement ng produkto ng Fancy club.
"First thing's first." napatingin ako kay Zian na ngayo'y naka-cap na at naka-mask.
Nagtatakha lang ako kung bakit siya nag-ganyan.
"They must not identify my features." sabi niya.
"Bat naman? Alam ba nilang ikaw may-ari ng Fancy club?" naalala ko na naman tuloy yung sa pinuntahan naming isa pang kompanya niya. Yung in charge sa pictorial ko. Ang pagkaka-alam kasi nila, anak lang si Zian ng owner ng company na yon.
"Of course. I'm being careful to the crowds later."
Napatango na lamang ako at pumasok na sa isang Van sa pag-alalay ni Zian.
Naunang umandar ang ibang Van, napapagitnaan ang sinasakyan namin habang katabi ko si Zian na tahimik lang na nag-aabang ng biyahe.
Kagalang-galang siya kung tignan. Lalo pa't siya ang nagpapatakbo ng lahat ng kompanyang meron sila. Sa edad niyang 18 ang layo na agad ng nararating niya. Kahanga-hanga lang.
Sa bintana lang ang tingin ko habang nag-aantay ng biyahe.
Nakakapagod na naman ang araw na 'to lalo pa't galing kaming school parehas ni Zian. Paano niya kaya napagsasabay-sabay lahat? Ang lupet niya naman. Kung ako nga stress na sa school lang eh, siya pa kaya na may mga kompanya pang inaasikaso? Speaking of kompanya... kamusta na kaya sila Tita at Tito? Wala pang binabanggit sa'kin si Darren tungkol sa kanila eh?Napabuntong hininga ako. Maya maya lang naramdaman kong may tumapik sa balikat ko kaya napatingin naman ako kay pogi.
Takha lang akong nakatingin sa kanya.
"What's wrong?" tanong niya.
Kumibit lang ako ng balikat bilang sagot.
"Come on, Alley. I'll listen." nakangiting ulit niya.
Nag-isip muna ako kung dapat ko pa bang idaldal ang tungkol kay Darren. Pero masyadong confidential kaya mas pinili ko na lang manahimik.
"Uhh, Zian ayos ka lang?" ewan ko kung bakit ayan ang lumabas sa bibig ko. Haynako, nababaliw na ata ako kakaisep.
Kumunot ang noo niya at parang hindi rin niya inaasahan ang lumabas sa bibig ko... kahit naman ako eh.
"Of course." tipid na sagot niya.
Hindi na muli ako nagsalita pa at mas minabuting umidlip na lang dahil malayo-layo pa ata ang destinasyon namin.
-
BINABASA MO ANG
Romance High
Lãng mạnIsang paaralan kung saan ang pagkakaroon ng 'lovelife' ay masyadong bigdeal. Hindi pwede ang nag-iisa, hindi pwede ang NBSB, hindi pwede kung wala kang partner. They believe that things are better when you have your 'partner'... duh? Pwedeng gawin...