Allerice Aguiar's POV
Namamalikmata lang ba ako? O talagang naka-ngiti sya' sakin ngayon.
Ghad. Ang perfect. Yung dimple, yung labi, yung ilong, yung mata, yung bituka, yung laman. Aish! Ang gwapo.
Unti-unti akong lumapit. Akala ko magigising na ako sa panaginip ko pero hinde. Totoong totoo lahat. Hinawakan ko yung kotse nya.
"Jeez, totoo nga." manghang sabi ko kaya napatawa yung nasa loob.
Di pa rin ako makabitaw bitaw sa pagkakahawak ko sa kotse nya. Baka kasi mamaya pag tanggal ko ng kamay ko mawala na lang at magising ako bigla.
"Hi. I'm Zian Archeletta. Nice meeting you, Ms. lovely hair." natauhan na lang ako sa sinabi nya.
Zian Archeletta, at lovely hair?
Muntik na kong matawa sa kakornihan ng Zian na to o kung sino man to. Basta, ang korni nya. Hahahahh. Lovely hair? So, yung buhok ko lang ang nakaka-akit ganon? Tss. Insulto rin 'tong pogi na 'to eh.
"Allerice ang pangalan ko. Pero excuse me lang kuya, kanina lang kita nakita habang nasa jeep ko. Bat ka nandito?" takhang tanong ko pero ngumiti muna sya bago sumagot.
Wag ka ngang ngumiti ng ngumiti! Nakaka-distract. Urgh!
"I'm here because... Allerice, mind if I offer you a job?" seryoso na sya ngayon.
Job? Nasa sitwasyon ako na kung saan kailangan kong makahanap ng trabaho. Kahit ano, pero please lang... ayoko na ng tungkol sa buhok, naaalala ko yung kaganapan kanina. Ayoko na non! Iba na lang, wag lang tungkol sa buhok!
"Na ano? Atsaka wait lang muna, pano mo nalaman yung bahay ko? Stalker kita no?!" mapanghinalang tanong ko habang sinusuri yung itsura nya.
Ghad! Ngumiti na naman sya. Yung
ngiti na natatawa. Ano ba! Nakaka-ilan ka na ah! Kinikilig na ko! Paano na ang bataan? Ay hindi pala!"Stalker? Hahahhaha.. actually no. Sinundan talaga kita, kaso nawala kanina sa paningin ko yung jeep! Fuck. Muntik pa kong maligaw. Buti na lang nakita kitang bumaba 'non kaya ayun..." paliwanag nya.
Napa-awang na lang ang bibig ko sa sinabi niya.
Sinundan daw niya ako. Wow. Ang haba naman ata ng buhok ko? Isang artistahin na kagaya niya ay sinundan ako para lang alukin ng trabaho? Sumobra naman ata ako sa kalandian kaya ganito?
Napatango-tango ako sa sinabi niya.
"Ah... ganon? Eh ano ngang trabaho yon?" interesadong tanong ko.
Ngumiti na naman si pogi. Aiyu! Urgh! Artistahin talaga eh!
"Can you be our exclusive hair model of our company?" offer niya na ikinababa ng ngiti ko.
Ano? Tama ba yung narinig ko?
"Ano ulit?" tanong ko.
"Sabi ko, pwede ka bang maging model ng kompanya namin? We're offering you a deal." pag-uulit niya na ikina-sama ng timpla ko.
Ano ba namang kapalaran ang meron ako? Quotah ako ng kamalasan ah? Di na nakakatuwa. Tss. Ewan ko ba kung pinagttripan lang ako ng isang 'to eh. Baka mamaya pinadala lang sya ng alagad nung bagong asawa ni Papa para uratin ako. Tch.
"Tinagalog mo lang eh. Hindi nga? Di ako nagjojoke ah. Totoo ba yon?"
"Yes. I'am serious." bakas sa boses at itsura niya na seryoso na sya sa pagkakataong ito.
Natameme ako dahil hindi ko alam ang isasagot ko. Aba! Ayoko na talaga ng model-model sa buhok-buhok na ayan no! No way!
"So... Allerice? Deal?" tanong niya muli.
Sa pagkakataong ito ay handa na akong tumanggi. Desidido na akong tumanggi. Bakit ako papayag? Eh kaso trabaho na yon, aarte pa ba ako? Trabaho na ang lumalapit sa akin aarte pa ba ako?
Ano bang kailangang maging mas matimbang?
Pag-iinarte o ang makatulong sa pamilya ko?
Tsk! Ayoko pero pag iniisip kong makakatulong kay Mama ang offer niya ay hinahadlangan nito ang isip ko! Tsk! Urgh! Nahihirapan na ko! Bakit ba kasi nakita-kita ko pa yung lalaki na yon eh?
"Uhhh-Aish! Oo na! Tsk! Bwiset! Oo na! Tinatanggap ko na! Bwiset naman oh." pagsuko ko at agad na nagliwanag ang muka niya.
"Whoa! I knew it! Hahaha, thanks Allerice. By the way, don't worry it's win-win for us both." nasisiyahang sabi niya kaya hindi ko maiwasang mapangiti ng hilaw.
Yun ba ang kaligayahan niya? Ang babaw niya ah!
"Hehehehe. Pano mo naman nasabi? Tch!" nakangusong sabi ko.
"Nah. Basta, by the way wait... here." may kinuha siyang card mula sa wallet niya na nakita ko puro isang libong makapal ang laman.
Ang yaman. Tae! Siguro wala na silang pinoproblema sa pera, no? Na ang pinoproblema na niya lang ay ang pag-epal sa buhay ko. Tsk.
Medyo wala sa sarili ko itong inabot at pinagmasdan.
Fancy club corporation
Ano naman to? Club? Baka mamaya gawin ako netong GRO ah? Masapak ko talaga sya kahit pogi sya!
"Paran san to?" nagtatakhang tanong ko.
"That's our company... that is where you're going to work." nakangiting paliwanag niya kaya napa-ohh na lang ako. Okay.
Nung maramdaman niyang wala na siyang kailangan pa sakin dahil nakuha na niya ang lahat. Nagumpisa na siyang mag-ayos ng kinauupuan niya.
"Oh so pano? See you na lang ah? Ano nga palang sched mo sa school? I'm gonna visit you there and also to excuse you." sabi niya kaya't nagulat naman ako.
Oo nga pala! Wala pa akong nahahanap na pamalit kay Darren. Huhu pwede kaya sya? Kaso natatakot akong magsabi baka maweirduhan sya sakin. Tsk! Hays! Siguro magrerepeat nalang ako sa ibang school, no?
Tsk! Sumabay-sabay pa kasi si Darren eh. Lintek na Daren yan!
"Okay. Sa Romance high ako nag-aaral. Oh sige na bye na, ingat ka ah! Maraming adik dyan!" paalala ko at nakangiti naman niyang isinara ang bintana ng kotse nya bago tuluyang umalis.
Kinakawayan ko pa sya bago sya tuluyang mawala sa paningin ko.
Bagsak ang balikat naman akong bumalik sa loob ng bahay. Nakakainis! Paano na ako neto? Tsk! Urgh! Sino naman kaya ang ipapalit ko?
Ayaw ko talagang mag-repeater huhuhuhu! Ayoko nga mag-repeat! Sayang yung year eh. Tsk.
Pagbalik ko sa bahay nadatnan ko si Ambrea na naglalaro.
"Ate Alley! Sino yon?" tanong nya matapos makita ako.
Nginitian ko sya kahit peke dahil hindi ko naman kayang ipakita sa kanila na nahihirapan ako ngayon. Mga bata pa sila at hindi sila dapat makisali sa pinoproblema ko. Dapat sa ngayon ay nagsasaya lang sila.
Mga bagay na hindi ko naranasan noong kasing-edad ko sila.
Pagod na nahiga ulit ako at tinitigan ang card na binigay ni pogi sakin.
Yayaman din kaya ako kagaya nila kapag sumikat ako dito? Tss asa pa ko.
___
Author:
Hindi po talaga ito SPG. Some scenes siguro may 'pagka' lang pero beyond that? .... uhmm, tignan ko. lol Hahha.

BINABASA MO ANG
Romance High
RomanceIsang paaralan kung saan ang pagkakaroon ng 'lovelife' ay masyadong bigdeal. Hindi pwede ang nag-iisa, hindi pwede ang NBSB, hindi pwede kung wala kang partner. They believe that things are better when you have your 'partner'... duh? Pwedeng gawin...