Allerice Aguiar's POV
Ang saya nila...
Kusang napangiti ang mga labi ko ng magtama ang mga mata namin... namiss ko kasi talaga siya ng sobra kaya gusto ko sanang lapitan at yakapin siya ng sobrang higpit na alam kong ikatutuwa niya. Kaso paano ko magagawa 'yon kung katabi niya ang girlfriend niya.
Paano ko nasabi?
"Ikaw pala yung Alley. Nice meeting you. I'm Deiane Le Rough by the way... Darren's girlfriend." nakangiting pagpapakilala nung babae sa sarili niya.
Napangiti ako at natameme na. Ano bang sasabihin ko?
Doon ko lang napagtanto na oo nga pala... wala pa nga palang kame ni Darren dahil natapos nga pala yon ng umalis siya. Kung sa tingin ko at para sa akin ay nagkabalikan kami nung bumalik siya... walang kasiguraduhan ang lahat. Pero alam kong ako ang mahal niya... pero bakit may ganito?
Kung mahal mo... bakit pinagdududa mo? Ang gulo.
Naestatwa lang ako, nagmuka akong pinagsakluban ng langit dahil alam ko ang nangyayari at alam kong nagmumuka akong tanga pero mas pinili kong manatili na nakatayo lang at pinagmamasdan sila.
Naka-akbay ang kamay ni Darren sa makinis at sobrang puting balikat ni Deiane. Hindi pa kasi siya naka-uniform at naka-off shoulder siya... siguro mag-eenroll pa lang silang dalawa... sabay silang mag-eenroll... parang kami rin non.
Hays, bakit parang naluluha naman ako? Nakakainis naman! Alam ko naman kung sino talaga ang mahal ni Darren eh... pero bakit ganito ako? Tsk!
"Alley... hey!" narinig kong tinawag ako ni Zian pero hindi ako lumingon. Siguro napansin niya rin kung sino ang tinitignan ko kaya agad siyang lumapit at hinawakan ako sa kamay.
Ang sakit naman ni Darren magpanggap... parang totoo.
Alam kong pagpapanggap lang ang meron sa kanila ni Deiane kagaya ng sa amin ni Zian... ganito pala ang pinaramdam ko sa kanya? Kasalanan ko naman pala talaga ang lahat.
"Excuse us, Alley... mamaya na lang tayo mag-usap." nakangiting sabi niya sa akin at iginaya na paalis si Deiane habang tumatawa pa.
Ang sakit talaga, nanghihina ako... gusto kong hatakin si Darren at ang kamay niyang naka-akbay kay Deiane.
Akin lang siya eh... hays.
Nanghihina akong lumakad papunta sa hindi ko alam. Nakakapanglata naman makasalubong silang dalawa.
Ang dami kong tanong. Unang una yung kung bakit hindi niya sinabi sa'kin yung tungkol kay Deiane? Sana man lang na-inform ako para prepared naman ako, hindi kagaya ng nangyayari ngayon sa'ken...
Kalalakad ay napadpad ako sa likod ng building kung saan may swing sa ilalim ng puno.
Umupo ako at dahang dahang iniangat ang paa ko para dumuyan.
Kasabay ng pag-angat ko ay ang pagbagsak bigla ng luha ko. Hala, saan sila galing? Hindi naman dapat ako iiyak ah? Tsk! Nakakainis!
Ang lungkot lungkot talaga...
Hindi man lang humupa ang luhang patuloy sa pagapaw sa mata ko, habang tumatagal ay mas lumalalim sila.
"Daya mo naman eh... luging lugi naman ako don eh." mapait kong sabi.
Kung tutuusin kasi, bagay na bagay sila. Maganda si Deiane at gwapo si Darren. Eh ako? Wala. Wala akong maipananapat sa kagaya ni Deiane, kundi eto... eto lang ako... isang Alley na puro saya lang ang alam. Ano ba naman panama ko kasi kay Deiane? Mayaman, maganda, masiyahin... at ano pa ba? Hays.
BINABASA MO ANG
Romance High
DragosteIsang paaralan kung saan ang pagkakaroon ng 'lovelife' ay masyadong bigdeal. Hindi pwede ang nag-iisa, hindi pwede ang NBSB, hindi pwede kung wala kang partner. They believe that things are better when you have your 'partner'... duh? Pwedeng gawin...