Allerice Aguiar's POV
"Hi Alley."
Bakit ang init pa rin ng pisngi ko?
May lagnat na ba ako? Pero paano naman ako magkaka-lagnat? Hays.
"Hey Alley. We're talking to you, can we be friends?"
Jusko! Masamang magka-crush ako kay Zian! Tsk!
Patuloy na lumilipad ang utak ko ng hindi ko namalayang marami na palang nakapalibot sa aking mga kaklase kong babae.
Nyare?
Kumunot ang noo ko sa nakikita ko.
Bakit naka-ngiti 'yang mga yan sa'kin?
Tumingin ako sa likod ko at ganun lang din, puro nakangiti sila sa akin.
May tumama bang meteor habang occupied ako kanina at naiba mga lihis ng utak nila?
Ang naaalala ko lang ay wala naman silang mga pakealam sa presensya ko dati.
"Bakit?" takhang tanong ko sa kanila.
May lumapit sa aking isang babae na si Kenia at may malawak na ngiti ang naka-plasta sa muka niya.
"Hi Alley." bungad niya habang patuloy sa pagbanat ng labi niya.
Ang plastik ng smile. Tss.
"Oh?" walang ganang tugon ko.
Lahat sila ay nakapa-ikot sa kinauupuan ko. Anong subject na ba? Ilang subject na ba ang nakalipas? Aish! Bakit na kasi hindi ko makalimutan yung nangyari kanina eh?
Kanina kasi pag-punta ni Zian sa pwesto ko, biglang nagpatuloy ang lahat na parang walang naabala.
Pati yung bagong Principal ang weird. Parang ang sama-sama ng ugali at masyadonh strikto.
"Recess na ba?" tanong ko kay Kenia.
"Huh? Last subject na kaya. Wala nga daw si ma'am eh." sabi niya.
Eh?
Buong klase lutang ako dahil kay Zian?
Oh my god, sabi na hindi maganda 'to eh. Bakit naman kasi biglaan na lang eextra na may crush na pala ako sa kanya? Napaka-gwapo naman kasi ni pogi na hindi nakakapagtakha na magka-crush ka sa kanya. Pero natatakot ako baka mas lumala 'to. Hindi pwedeng mangyari 'yon dahil may Darren na ako.
Iiwasan ko siya hangga't maaari dahil hindi ako natutuwa dito sa feeling na 'to. Kay Darren ko lang naman dati nararamdaman 'to eh.
Tumayo ako at iniwan silang lahat doon.
Wala naman daw teacher kaya't lalabas na lang ako kesa naman makisalamuha sa mga kaplastikan nila.
Naglalakad ako sa corridor ng may makasalubong akong tatlong babae.
Psh. Yung mga epal na naman.
Sabay-sabay silang naglalakad na akala mo eh kagalang-galang sila sa mga postura nila. Mga papansin. Tsktsk.
Hindi ko sila pinansin at nagdire-diretso sa paglalakad.
"Girls, oh my god. I think I should put some more charms. He has a crush on me, right?"
Binagalan ko ang paglalakad ko dahil sa sinabi nung nasa gitnang babae na siya ring humarang sa akin noon.
"Si Xian ba? Oo nga eh, ang tingin sa'yo kanina kakaiba te!"
Wait... Xian?
Huminto ako at nilapitan sila.
Mukang inaasahan na nila ang pagbalik ko dahil sa mga ngisi nila.
![](https://img.wattpad.com/cover/99349782-288-k67132.jpg)
BINABASA MO ANG
Romance High
RomanceIsang paaralan kung saan ang pagkakaroon ng 'lovelife' ay masyadong bigdeal. Hindi pwede ang nag-iisa, hindi pwede ang NBSB, hindi pwede kung wala kang partner. They believe that things are better when you have your 'partner'... duh? Pwedeng gawin...