Allerice Aguiar's POV
"Anak, gising huy... Alley may naghahanap sa'yo... Uy Allerice."
"Nandito na'ko Allerice... pano ba yan? Magpapakasal na tayo?"
Oh my god... totoo na ba 'to? Nasa tapat ko na si Darren at... shet lalo siyang gumwapo. Papakasalan ko ba talaga ang lalaking 'to?
"Darren? T-Totoo bang nakauwi ka na?"
Urgh! Ang ganda ng ngiti ni Darren. Baket ganon?! Huhu, namiss ko siya.
"Oo Alley, kaya ano pang hinihintay mo dyan? Halika na bumangon ka na at malilintikan ka saken!"
Huh?
"Anong malilintikan?"
"Bumangon ka na dyan Alley isa! Kapag hindi ka pa bumangon dyan bubuhusan kita ng kumukulong tubig!"
Narindi ako bigla at napadilat sa lakas ng sigaw ni Mama.
Huhuhu, panaginip lang pala ang lahat? Tss, pinaasa na naman ako.
Kahit hirap ay tinangka kong bumangon. Tsk! Kulang ako sa tulog bwiset kasi si pogi eh, ayaw akong patulugin kagabi. Tinawagan ako ng tinawagan para lang tanungin ng tanungin tungkol sa kasal na aksidenteng kong nasabi.
Aish! Mamaya kaya tatantanan na niya ako tungkol don?
Nagtungo ako sa banyo para mag-sipilyo at mag-hilamos. Nakaharap ako sa salamin ng may maalala na naman.
"Urgh! Bakit nagugulo na naman ako? Tsk!"
Naalala ko na naman yung sa kausap ni Mama kanina eh. Bakit ba may nagtutulak sa sarili kong alamin? Tsk, gumugulo tuloy yung utak ko. Imbis na ang pinoproblema ko lang ay yung tungkol sa trabaho mamaya, pati tungkol sa pesteng tawag nagugulo ako.
Bakit ang bigdeal sa sistema ko?
Lumabas ako ng CR at naabutan si Mama na nagtetext.
Napailing na lang ako ng may sumagi sa isip ko na alamin kung sino 'yon. Urgh! Pinapatay ng kuryusidad yung utak ko.
Ginawa ko lahat ng kadalasan kong ginagawa tuwing umaga at pagkatapos ay lumabas ng bahay.
"Letche ka Alleng ang tagal mo! Pashnea!" bungad ng mga kaibigan ko.
Nakaka-miss din pala 'tong mga impokritang 'to.
"Maganda eh. Ganun talaga." sagot ko kaya't nakatikim ako ng batok kina ShaSha at Francine.
"Aray ko naman! Namiss niyo ko eh, no?!" sigaw ko sa kanila pero tinawanan lang ako ng mga bruha.
Hay, may mga topak talaga sa utak 'tong dalawang to.
"Ano na te? Bakit nagbago itsura mo? Na-rape ka na ba ni Fafa Darren?" tukso ni ShaSha kaya't inirapan ko siya.
Jusko! Matinong tabas ng bibig na kaibigan po Lord! Gusto ko magkaroon kahit isa lang.
"Manahimik ka nga ShaSha mamaya marinig ka pa ni Mama ano pang isipin non! Tch!" irita kong sabi at inilayo sila sa tapat ng bahay.
Pumunta kami sa tapat ng tindahan nila Aling Esang. Dito tambayan naming tatlo palagi eh. Ngayon na nga lang ulit naulit dahil masyado akong naging busy netong mga araw. Piling ko tuloy artista ako.
"So ano na nga bruha ka! Masyado ka ng busy ah! Kala mo naman ang ganda-ganda mo. Tss!" sabi ni Francine habang ngumunguya ng tsitsirya.
Kumuha ako sa kinakain niya bago magkwento.

BINABASA MO ANG
Romance High
RomanceIsang paaralan kung saan ang pagkakaroon ng 'lovelife' ay masyadong bigdeal. Hindi pwede ang nag-iisa, hindi pwede ang NBSB, hindi pwede kung wala kang partner. They believe that things are better when you have your 'partner'... duh? Pwedeng gawin...