Chapter 7

1.2K 24 0
                                    

Author:

This story might driven your soul into different fields.

Just read this with all your appreciation even on the simpliest mistake or misplot.

~Salamat~

Allerice Aguiar's POV

Akala ko joke lang kanina na kailangan ko 'raw' magbago. Joke pero naniwala naman ako kanina, dalang-dala ko pa nga eh. Pero di naman ako sinabihan ni pogi na sobrang kailangan pala talagang magbago. Duh? Nakakatakot yung mga tao dito huhuhu piling ko sasaktan nila ako any moment.

"Don't do such things like your old personality. I'm warning you Alley. Be.have. Understand?" nakakakilabot na tanong ni pogi.

Simula ng tumapak kami sa building na ito nag-iba na sya. Kung nasanay ako sa pangiti-ngiti niya kahapon? Kahit anong bahid noon wala na ngayon. Sobrang, sobra sobra sobrang ibang-iba si Zian ngayon sa Zian na puro pagpapakita ng ngiti niya ang ginagawa. Ewan ko pero nag-iba siya simula nung makarating kami dito sa kompanya nila.

Naging sobrang cold niya at no emotions na makikita sa muka niya. Ano bang nangyayare? Ganun ba talaga sila dito magtrabaho? Pati ako idadamay pa nila sa kaweirduhan nila. Tch.

Nanahimik akong naka-upo sa sofa sa loob nitong office ni Zian.

Itong office niya pa lang parang triple na ng buong bahay na nirerentahan namin. Sobrang lawak kasi eh, plus ang ganda pa ng view dahil nasa mataas na part ito ng building. Gusto ko sanang mag-viewing-viewing kaso ang sungit ni pogi.

"Ms. Levy." agad na may tumakbong babaeng sexy at maganda papunta kay Zian matapos niyang magsalita.

Mukang takot na takot si Ate. Bat naman kaya sila natatakot kay Pogi? Ganun ba talaga siya nakaka-takot para sa kanila? Eh ang gwapo-gwapo nya eh tapos natatakot pa sila? Hindi pa ba nila nakikita ang nakaka-distract na ngiti ni Zian?

"Y-yes, Mr. Zian?" halata sa boses nung Ms. Levy na kinakabahan sya.

Ang O.A parang tinawag lang eh kaylangan nangangatog pa? Tss.

"Don't let her stroll and make some cause of trouble here inside my office, understand?" seryosong tanong ni Zian na nagdulot ng kaba sa akin.

Bat ba ganyan siya? Natatakot nako ah! Gusto ko ng umuwi! Hays, may sapak ata ulo neto ni pogi eh.

"Y-yes, Mr. Zian." nakayukong sagot nung Ms. Levy.

Napatingin sa gawi ko si pogi kaya't awtomatiko akong napaiwas ng tingin. Hindi na ako natutuwa sa patingin-tingin niya. Dahil nakakatakot na ang mga ito, hindi na nakakakilig kagaya kanina.



"Alley." halos tumayo lahat ng balahibo ko matapos niyang banggitin ang pangalan ko.

Di ko magawang tumingin sa kanya dahil kinikilabutan ako.


"Look at me." nanatili pa rin akong nakatungo kahit ma-autoridad na ang boses niya.

Eeeeeh! Natatakot na ko sa kanya eh may magagawa ba sya? Para kasi siyang baliw eh. Ngingiti-ngiti tapos biglang magiging seryoso. Abnormal.

"B-bakit ba?" medyo napipilitang tanong ko dahil baka mamaya benggahin niya ako edi pahiya pako.


"Wait for me here. Tatawagin ko lang ang maga-assist sa mga papeles na kailangan mo. Stay here and don't move a finger. Understand?" ayan na naman ang nakakatakot na tono niya.

Romance HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon