Chapter 26

532 13 2
                                        

Allerice Aguiar's POV

Psh. Eto na naman! Nakakainis na siya! Kanina pa siya ganyan ng ganyan eh! Urgh!

"Please?" sabi niya habang nagpapa-cute.

Hindi na ako natutuwa. Peste naman!

"Tigilan mo nga ako sa paganyan-ganyan mo, Xian. Kakaltukan kita!" pabulong pero may diin kong suway sa kanya.

Naiinis na ako na simula ng pagpasok ko parang ibang Zian ang nasa harapan ko.

Pagpasok na pagpasok ko ng gate, nandoon siya naka-abang at bigla ba naman akong niyakap na akala mo hindi kami nagkita ng isang taon.

Nabaliw na ata ang isang 'to. Buti na lang at medyo nakokontrol ko na ang sarili ko lalo pa't ganito umasta 'tong si pogi. Tsh.

"Parang holding hands lang eh. Tss."

Eh?

Saan pupunta 'yun?

Bigla ba namang mag-walkout eh.

Nabwiset na ata. Buti na yung ganyan keysa sa gusto niyang mangyari. Ayoko dahil uuwi na raw si Darren.

Hays, ano kayang mangyayari? Tsk naman! Problema pa ulit 'yon. Baka malaman niya yung trabaho ko tapos magkagulo-gulo na. Aish!

Kinakabahan tuloy ako sa mga mangyayare.

Naglakad ako para sundan si Zian. Recess ngayon at bigla-biglang naging ganyan si Zian. Baka gutom lang siguro yan, no?

Palinga-linga ako sa paligid para hanapin si Zian na kilalang Xian dito sa sa school na 'to.

Napunta na ako sa canteen, sa field, sa garden... tss nasan ba 'yon?

Pagod akong naupo sa bench na nandito sa hallway. Tahimik akong nag-iisip ng maaaring puntahan ni pogi.

Saan ba pwedeng pumunta 'yon? Ang bilis bilis kasing maglakad eh!

Sa Gym!

Agad akong tumayo at halos takbuhin na ang papunta sa gym dahil lalaki siya baka 'pag nagsesenti doon ang pinupuntahan nila. Wala lang, feeling ko lang.

Nang makarating ako sa gym ay hindi ko inaasahan ang bubungad sa'kin.

Akala ko si Zian ang makikita ko pero hindi...

"Hi Allerice... namiss kita." sabay ngisi niya sa akin.

Kinabahan ako lalo na ng may dalawang humawak sa magkabilang kamay ko.

Wag nila sabihing pagtutulungan nila ako dito sa loob ng gym? Nasa loob kami ng school hindi ba sila natatakot?

Nagulat pa ako lalo na ng may dalawa pang babae na lumabas...

Anong ginagawa dito niyang Anne at Jil na yan? At kasama pa talaga yung tatlong bibe ah?

At hindi lang sila lima lahat... sa palagay ko mga sampu silang lahat na nakapalibot sa'kin.

Wow. Ganon ba ko kalakas para mag-ipon pa sila ng tauhan?

At hindi naman ako aware na dahil sa mga haters ko magkakaroon sila ng 'Friendship'

Bakit parang ang che-cheap nila? Eh mayayaman naman sila?

"Kamusta ka na Allerice? Kamusta na yung boyfriend mo? Bantayan mo dapat siya ng maigi dahil hindi lahat permanente." nakangiting sabi nung babaeng lider nung tatlong bibe. Yung palaging nasa gitna.

Hindi ko kasi alam pangalan eh. Tsk.

"Sino ka ba, ha?" walang ganang tanong ko.

Hindi naman ako manghuhula ng pangalan. Dahil kung ako gagawa ng nickname nila? Hindi nila ikatutuwa.

Romance HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon