Chapter 28

356 4 0
                                    

Allerice Aguiar's POV

Oh my god! Sa tinagal ng panahon, ngayon na lang ulit ako pupunta sa lugar na 'yon. Maaaring malaki ang nagbago doon. Kamusta na kaya sila Tita?

Whooh! Kinakabahan ako!

Huminga ako ng malalim at muling tinanaw ang bawat bahay na nadadaanan namin.

Malapi na... jusko!

"Darren?"

Ibinaling niya sandali sa akin ang paningin niya at muling nag-focus sa pagmamaneho.

"Hmm?"

"Uhh–bumalik na lang kaya tayo? Kinakabahan ako eh." pagsasabi ko ng totoo.

First year high school pa lamang kami ng huli akong pumunta doon. Piling ko hindi na ako welcome.

"Akong bahala." napatingin ako kay Darren sa sinabi niya.

Siya ang bahala dahil?

Para tuloy may iba pang ibig sabihin ang sinabi niya, hindi tuloy ako desidido kung papasok ba talaga ako sa loob ng bahay nila.

Pero dahil may tiwala ako kay Darren, makikinig na lang ako sa lahat ng sasabihin niya, tutal tama naman siya sa halos lahat ng bagay.

Huminto ang sasakyan at lumabas si Darren para pagbuksan ako ng pintuan.

Napaka-gentleman talaga niya kahit medyo loko-loko. Sure na akong itong lalaking 'to ang papakasalanan ko balang araw... sigurado na ako doon.

Nginitian niya ako kasabay ng paglalahad niya ng kanyang kamay para tulungan akong makalabas.

Eto na, nandito na kami. Unti-unting nararamdaman ko ang tensyon. Habang naglalakad kami papasok sa loob ng kanilang mansion ay dumodoble ang bawat pintig sa dibdib ko.

Nakarating kami sa sala at nadatnan itong tahimik. Nakakapanibago dahil iba na ang itsura nito kumpara sa huling itsura nito nung huli akong nagpunta.

Pero nasaan sila Tita?

"No way."

Napaharap ako kay Darren matapos niyang biglang magsalita.

"May problema ba?" tanong ko dahil ang itsura niya ngayo'y pinagpapawisan na at tila natatakot.

Ano bang nangyayare?

Lumapit ako sa kanya para iparamdam na handa akong tumulong at nandito lang ako palagi kahit anong mangyari ay hindi ko siya iiwan.

"Darren... oy may problema ba?" kinakabahang tanong ko dahil bigla siyang napayakap sa akin.

Ramdam kong may problema at hindi lang ito basta-basta.

Kahit ano man 'yon ay handa akong damayan siya, kahit na ang kapalit pa nito ay kasiyahan ko. Ayos lang. Mahal namin ang isa't-isa.

"We should leave. Dadating na sila any moment." ramdam kong pinunasan ni Darren ang mata niya.

Umiiyak ba siya?

Bumitaw ako sa yakap upang harapin siya... at muli, kitang-kita ko ang naguumapaw na kalungkutan sa mata niya, pinipilit niyang wag lumabas pero maging ako ay naaapektuhan dahil dito. Ayoko ng nakikitang umiiyak si Darren.

"Please Darren, sabihin mo sa'ken... may problema ba?"

Imbis na sagutin ako ay ngumiti lang siya ng tipid.

Parang winawasak ang puso ko habang nakikita siyang pilit na nagpapanggap na ayos lang kahit na ang totoo ay may dinadala siyang problema at ayaw niyang ipaalam sa kahit na kanino.

Romance HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon