Chapter 14

889 21 1
                                    

Author:

Nawa'y patuloy niyong suportahan ang ma-chorvang kwento ni Allerice. Salamat.

Salamat din sa kauna-unahang nag-comment. Kilala mo na kung sino ka Ate. Godbless.

--

Allerice Aguiar's POV

Tumakbo kaming dalawa ni Zian hanggang makarating kami sa tapat ng Principal's office.

Hingal kong binitawan ang kamay niya at sunud-sunod na kumuha ng hangin.

"What are we doing here? Why the hell did you bring me here, huh Allerice?" napaharap ako kay Zian at ang sama ng mga tingin niya sa'kin.

Paano ko ba ipapaliwanag? Tsk! Aish!

Magsasalita sana ako nang biglang may nagbukas ng pintuan ng Principal's office at lumabas ang isang may edad nang babae pero halata mo sa balat 'nya na alaga ito at mukang mayaman siya dahil sa postura niya.

Para siyang ka-edad lang ni Mama.

Napahinto siya matapos  kaming makita ni Zian pero nagulat ako nung biglang maglakad papalayo si Zian.

Saan siya pupunta?

Hindi ko pinansin yung babae at hinabol si Zian.

"Pogi! Wait lang! Oy pogi san ka pupunta?!" sigaw ko habang hinahabol siya.

Nakarating kami sa Garden kakahabol ko kay Zian.

Psh. Bakit ba takbo ako ng takbo ngayong araw? Tss.

Mabuti na lang at huminto na siya sa wakas!

"Bakit ba umalis ka?! Nakakapagod kayang maghabol sa'yo ang bilis-bilis mong maglakad!" sigaw ko sa kanya habang nakatungkod ang dalawa kong kamay sa tuhod ko dahil sa hingal.

Pero si pogi ay bored lang akong tinignan na parang wala lang sa kanya ang mabilis niyang paglalakad.

Di ba siya nakakaramdam ng salitang 'hingal?'

"Bakit mo ba ako dinala-dala doon? Explain yourself Allerice." seryosong sabi niya na nagdulot sa'kin ng takot.

Bakit ba may oras na nakaka-takot ang mga tingin ni Zian?

Bakit nung mga nakaraan naman hindi ah? Panay nga ngiti niya eh bakit ngayon medyo nawawala na ang pagiging pala-ngiti niya?

May tyansa bang makilala ko ang tunay na si Zian Archeletta? Pansin ko kasing madalang na siyang maging si pogi eh. Yung pogi na unang beses kong nakilala... yung panay pagngiti ang alam. Nakakapag-takha lang nasan na napunta 'yon.

Hinihingal akong umupo sa bench at tinignan niya lang ako habang nananatili siyang nakatayo lang harapan ko.

"Sandali lang naman... hiningal ako sa'yo. Bakit ba ambilis-bilis mong maglakad?! Kabayo ka'ba?!" iritang sigaw ko sa kanya pero nanatiling seryoso ang tingin niya sa'kin.

Urgh! Nakakainis!

"Answer me first, Allerice. Why the hell did you bring me there?" mahinahong tanong niya.

Agad akong natameme sa tanong niya. Maging sa sarili ko ay hindi ko alam. Ang alam ko lang na dahilan ay hindi ko pwedeng sabihin sa kanya hangga't hindi ko pa siya nadadala doon... kaya naman...

Tumayo ako at muling hinatak siya papuntang Principal's office.

Nagpupumiglas siya at pilit akong pinapatigil pero hindi ako papayag!

Romance HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon