Chapter 16

874 20 6
                                    

Allerice Aguiar's POV

Nagising ako dahil nakaramdam ako ng pag-sakit sa puson ko. Naiihi ako tsk!

Sa tantsa ko, madaling araw pa lang. Tulog pa kasi sila Abreu at Ambrea sa tabi ko pera teka—nasaan si Mama?

Hindi pa ba siya nakakauwi? Anong oras na ba? 

Kinuha ko cellphone sa ilalim ng unan ko para tignan ang oras.

Alas-tres na ng madaling araw ah. Hindi pa rin nakakauwi si Mama?

Bigla akong nakaramdam ng pag-aalala kaya't tumayo ako para hanapin si Mama sa loob ng bahay.

Una kong pinuntahan ang CR dahil ihing-ihi na talaga ako.

"No. I won't let you do that, Phiana. You bitch."

Kumunot ang noo ko sa narinig ko. Boses ni Mama yun ah. At ang nakakapagtakha ay kung bakit nage-english si Mama? Sa pagkakakilala ko kay Mama hindi naman siya maarte at kailan pa siya naging maldita?

Lalabas na sana ako ng CR ngunit nasundan ang mga pangungusap na hindi ko inaasahang maririnig ko mula kay Mama.

"Oh really? Just wait you bitch. Allerice' time is coming and your evilness will taste like sour."

Lalong gumulo ang isip ko kaya't lumabas na ako.

Nadatnan kong may hawak si Mama na cellphone at gulat na napatingin sa akin.

May hindi ba ako alam?

"A-Alley... bat gising ka'pa?" halata sa boses ni Mama na hindi niya inaasahang makita ang presensya ko.

Ano ba kasing meron sa tawag at parang tense na tense si Mama? Gusto kong tanungin pero natatakot ako sa magiging sagot. May feeling ako na once na malaman ko ang sagot ay magugulo ang pagkatao ko.

Hays. Ayoko ng ganito eh. Yung pinaglilihiman ako at lalo pa't nasabwat ang pangalan ko.

"Mama, sino po yung kausap niyo?"

Pero sana lang talaga hindi tungkol sa akin yung pinag-uusapan nila kahit na nabanggit ang pangalan ko. Ayoko ng malaman pero may parte sa akin na inuudyok akong alamin.

"W-wala. Matulog ka'na Alley." at naglakad si Mama palapit sa pintuan.

"San kayo pupunta ma? Alas-tres na ng madaling araw baka mapano kayo." nag-aalalang pigil ko dahil lalabas si Mama ng bahay.

May problema ba si Mama?

Hahabulin ko na sana siya pero pinigilan niya ako sa pamamagitan ng pagsara ng pintuan at naiwan akong nakatayo na puno ng kuryusidad.

Napa-buntong hininga ako at nagpasya na lang na bumalik sa tulog.

Imbis na punuin ko ang sarili ko ng mga tanong na hindi naman masasagot sa ngayon ay matutulog na lang ako.

Mamaya nga pala start na daw ng trabaho ko sabi ni pogi. Aish! Nakaramdam tuloy ako ng kaba.

Ano kayang mangyayare mamaya?

Bigla na naman tuloy sumagi sa akin yung sinabi niya nung Biyernes. Ang tahimik ng buhay ko kahapon dahil walang Zian na masungit. Nakaka-miss din pala ang buhay na walang Zian.

Nakapikit na ako at malapit ng kainin ng panaginip ko ng maramdaman kong mag-vibrate ang cellphone ko sa ulohan ko.

Tsk! Madaling araw pa lang sino ba 'to? Tch!

Inis kong kinuha at nanlalata ko itong sinagot. Wala ng tingin-tingin kung sino yung tumatawag.

"Hello?"

Romance HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon