Chapter 4

1.5K 35 1
                                    

Allerice Aguiar's POV

Umalis ako ng umiiyak sa lugar na yon, magba-back out na lang ako. Hindi ko naman kasi alam na pagma-may-ari pala yun ng bago nya'ng asawa.

Nakakatawa na kung nagkataon pala, parang yung pera na ipangkakain  namin ay galing sa bagong asawa ng Papa namin. Nakakatawa lang.

Siguro hindi ito para sakin.

Nilisan ko na ang building na yon. Ayoko ng bumalik sa lugar na yon, hinding-hindi na. Hinding-hindi na ako kailanman magbabalak mag-audition sa kahit na anong hair modelling.

Inis at lungkot ang naghahalo-halo sa akin ngayon. Pakiramdam ko trinaydor ako ng kapalaran. Sa dinami-rami ng tao sa mundo, natyempuhan ko pang si Papa yung nandon.

Bakit kaya? Sinusuportahan nya ba ang business ng bago nya'ng pamilya?

Ang alam ko may mga bago sya'ng anak eh. Dalawang babae na kasing-edad ko lang at isang lalaki na mas matanda sa akin ng dalawang taon. Yung dalawang babae kay Papa, half-sister ko pa. Yung isang lalaki, anak yon nung bago nya'ng asawa. Tss. Magsama-sama sila.

Sino ba naman kasing tanga ang pipiliing mag-stay sa buhay na meron kami, diba? May choice sya non kaya nga wala na sya samin eh. Ang talino ng choice na pinili nya.

Ngayon siguro masaya na sya. Malayo na sya sa buhay na iniwan nya'ng meron kami. Isa sya'ng duwag. Di ko sya itinuturing bilang haligi ng pamilya namin. Kinasusuklaman ko sya.

Nagpatuloy ako sa paglalakad habang umiiyak. Uuwi na ako ngayon at papunta na ko sa waiting shed kung saan may mga dumadaan ng jeep.

Hays. Ang sakit lang pag naaalala ko yung muka niya nung nakita nya ko. Puno ng pagkadismaya.

Parehas pala kami. Kaso nga lang ako hindi lang pagkadismaya eh. Kundi pagkasuklam sa kanya.

May humintong jeep sa tapat ko kaya't agad-agad akong sumakay. Tumingin na lang ako sa bintana habang hinihintay na huminto ang byahe.

Pero dahil malas ako, traffic pa. Tss.

Napaka-bagal ng usad ng mga sasakyan. Naipit na ata kami sa pagitan ng isang jeep at isang kotseng White sa tapat ko. Nakadungaw kasi ako sa bintana eh.

Bumukas yung bintana nung kotseng puti at nagulat ako sa itsura ng nagddrive na parang naiirita.

O_________O

A-artita ba sya? B-bakit sobrang gwapo?

Napaka-puti nya kahit na kalalaki nya'ng tao. Tapos ang tangos-tangos pa ng ilong lalo na't naka-side view sya sakin. Tinititigan ko sya nung bigla sya'ng mapatingin sa akin.

O___________O

Kinabahan ako at agad na nagpatay malisya sabay talikod sa gawi nya. Sumandal na lang ako para matakpan ang muka ko ng mahaba at itim na itim kong buhok. Di ko alam na magagamit ko pala sa sitwasyon na to yung buhok ko. Di man sa trabaho, atleast sa kahihiyan.

Umandar na rin ang daloy ng mga sasakyan kaya nakaligtas ako sa ngayon. Hays, nakakahiya talaga. Halos matunaw na ako sa kahihiyan nung makita nya akong titig na titig sa kanya. Jeez, ang landi kasi ng mata ko eh.

Huminto ang jeep sa tapat ng... bat sa tapat ng Romance high?

Don ko lang napansin na puro estudyante pala ng Romance high yung laman nung jeep na sinakyan ko.

Wow. Hanggang sa labas ba naman, sinusundan pa rin ako nung kamandag ng paaralan na yon? Tsk.

Inis akong bumaba. Tss, mapapalakad pa tuloy ako ng malayo-layo.

Pero ayoko munang magpakita sa mga kapatid ko na may ganitong mata. Sabihin nila umiyak ako, magagalit yung mga yun sakin. Ayaw na ayaw nila akong nakikita na umiiyak eh.

Umupo lang ako sa waiting shed na katabi ng gate ng Romance high. Hays, bat kaya naging malas ako masyado?

Una si Darren, pangalawa naman yung one week dapat makahanap na ko ng pamalit sa kanya, tapos eto pa? Hays.

Nung piling ko medyo magaan na ang mata ko. Tumayo na ako at nagsimulang mag-lakad pauwi.

Tanghali na rin at tirik na tirik ang araw. Di ko na lang pinansin at mas binilisan ang paglalakad. Ayokong mag-inarte, araw lang lang yan. Kung walang araw, edi walang buhay. Tss!

Nakarating ako sa'min at nadatnan yung dalawa kong kapatid na naglalaro.

"Ate Alley! Bat ngayun ka lang? Wow, naka-dress si Ate. San ka galing ate?" tuwang-tuwa na sinilayan ako ng mga kapatid ko at sinalubong ng yakap.

Ngumiti naman ako.

"Dyan lang. May pinuntahan." nakangiting sabi ko.

"Ah. Nag-date ba kayo ni Kuya Darren?" panunukso ni Abreu.

"Hinde. Hahahaha adik." pilit na tawa ko. Hindi nila pwedeng malaman na wala na kami ni Darren. Lalong lalo na ni Mama, alam niya ang patakaran sa school na pinapasukan ko. Pumayag sya dati dahil kinumbinsi naman sya' ni Darren. Masyado kaya'ng mapilit si Darren kaya ganon. Atsaka grabe ang tiwala ni Mama kay Darren. Di ko na lang alam pag nalaman nya'ng wala na kami. Hays.

Pumasok na ako sa bahay at nagpalit ng susuotin.

Matutulog na lang muna ako dahil antok na antok ako. Napagod ako sa byahe, masyadong malayo eh. Hays. Ang sarap humiga.

Ipinikit ko ang mata ko at unti-unti kong naramdaman ang antok...

--

"Ate Alley!"

Nararamdaman kong may kumakalabit sakin. Pero masyado pa kong nasasarapan sa pagtulog.

"Ate, huy gising! Ate Alley may bisita ka nga!"

"Hmmm." di ako makapagsalita sa sobrang kaantukan.

"Ate! Aalis na yon sigi ka! Gumising ka na nga!" pilit akong niyuyugyog ni Ambrea.

Aish! Tsk! Sira na tulog ko. Napilitan akong bumangon at kumusot-kusot sa mata ko. Masyado pang blur yung paningin ko pero nakaka-develop naman hanggang sa mapansin kong gabi na pala.

"Huh?" tanong ko ulit kay Ambrea.

"May bisita ka nga. Nandun sa tapat. Ate, may kotse sya. Kaibigan mo?" parang manghang tanong ni Ambrea.

Kaibigan ko? May kotse? Wala naman akong kaibigan na may kotse ah? May bike meron. Sina Francine at Shasha.

Agad akong napatayo.

"Nasan na? Nandyan pa ba?" tanong ko habang nagsusuklay ng buhok at nagtatanggal ng muta.

"Oo. Bilisan mo Ate naiinip na nga eh!" sabi ni Ambrea kaya pagkatapos kong mag-ayos tumakbo agad ako palabas ng bahay.


Hinanap-hanap ko pa pero wala akong makitang bisita.

Pero kotse meron... oo may kotse nga sa tapat ng bahay namin... kulay White.

Unti-unting bumukas ang bintana at...



O_________O





Yung artista nandyan!

__

Romance HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon