Marie's P.O.VMaaga na at nauna akong nagising. Dumiretso kaagad ako papuntang banyo upang mag weewee and after that, kaagad na din akong pumunta sa kusina para mag-luto ng pagkain namin ni alien.
Binuksan ko ang cabinet at napansin ko na may pasta pa pala for carbonara kaya niluto ko nalang yun since alam ko din naman paano dahil favorite ko'to noong bata pa ako. Even now.
Nasa gitna ako sa pagluluto dito ng bigla ko na namang naisip ang alien na'yun. Swerte na ba akong tao dahil kasama ko ang isang alien? Swerte ba ako dahil may alien ako sa bahay? Sa totoo, ang weird lang. Eh kasi kung alien man yun, pang-alien sana yung mukha niya. Yung tipong pang-oval shape talaga. Pero iba siya eh. Ang gwapo niya na alien. Alien nga siya pero human form din naman.
Totoong alien kaya siya?
"Oo, totoong alien ako."
Tumalon naman ang puso ko nung bigla-bigla nalang sumabat sa likod ko ang alien, dahilan na ikina-muntik ko namang ma-slide dun.
Buti nalang at nasalo ako ni V.
I smiled at him. "Good morning!"
"Good morning!"
Nagiging kulay yellow ulit ang buhok niya tsaka niya ako ningitian. I also smiled back at him then pinagpatuloy ko na ang pagluluto ko.
Ng matapos na akong magluto ay kaagad ko namang ini-serve ito sa mesa at kumuha na din ng dalawang plate and fork.
"Kumakain pala kayo ng bulati?", tanong ng alien habang nandidiring tumingin sa carbonara. Bulati? Bulati tawag niya dito? Ampotek.
Tawang-tawa naman ako sa sinabi niya habang siya naman ay di-maiwasang malito kaya pumuti ulit ang buhok niya.
"Buang. Pasta 'yan, V. Here in the Philippines, basta white sauce yung pasta, we called it 'carbonara'.", sabi ko.
"Calbonala.", pagsunod niya.
"No. Carrrrrrrbonarraa."
"Carlboralana."
Ano daw?
"Carabolara. Carlborana. Calbolara. Crabonala. Carbolanara.", pauulit-ulit niyang sinasabi. Nagpa-practice yata hahaha.
"And if red sauce naman ang pasta, we called it 'spaghetti'.", dagdag explain ko sa kaniya.
"Stagheppi?", tanong niya.
Laptrip ampotek hahahahahaha!
"S-P-A-G-H-E-T-T-I. S-pag-ghe-tti.", sabi ko.
"Su-pag-gue-tti.", pagsunod niya.
"Yes! That's right! You're almost there.", patango-tango kong sabi. Parang nanay at kinder na anak lang ang peg no?
"Su-pag-gue-tti. Caralboranara. Calabonoralana. Carabonorara. Caral--nagugutom na ako.", sabi niya.
Pigil-tawa lang naman ako dito dahil ang cute niya talaga kapag inuulit niya yung 'carbonara'. Ewan pero na-cute-tan ako eh. Bat ba.
"Paano nga ulit ako makakain neto?", tanong niya. Aba'y excited niya yatang matikman ang specialty ko.
"Watch me.", sabi ko at sinimulan ko na ang pag-ikot ng tinidor sa pasta at kinain ito. Dali-dali din naman siyang sumunod at nakuha nga niya. Fast learner talaga.
"Ay oo nga pala! Muntik ko ng makalimutan 'to. Ako nga pala si Marissa. Call me 'Marie' for short para hindi ka na mahihirapan." pagpakilala ko sa kanya. Nakalimutan ko kasing ipakilala ang sarili ko kahapon eh.
BINABASA MO ANG
Ang Boyprend Kong Alien
Fanfiction(Completed) (Still Editing) May isang kababalaghang nangyari sa bahay ni Marie na kung saan, hinding-hindi niya talaga ito makakalimutan! Just then, a handsome-pervert, sweet, abnormal, polokoy na 4-d alien trespassed in her house. Ano kaya ang ga...