Alien 8:

980 37 3
                                    


Marie's P.O.V


Pagtingin ko sa wall clock ay 9:00A.M na. Lumabas na ako at nasulubong ko kaagad ang mukha sa pitong alien.

"Uy! Gising ka na pala! Morning!"bati ni JH. Buti nalang at hindi na siya sumigaw.

"Morning din"walang gana kong bati. Ganito talaga ako pag bagong gising eh, mawawalan ng gana. Haha. Puyat kasi.

"Guys! Halina kayo! Kain na!"sigaw ni J samin kaya agad na kaming pumunta sa kusina at nagsimula ng kumain.

Nagtaka ako kung bakit ang tahimik nila ngayon. Eh kasi naman nasanay kasi ako na palaging maingay dito sa kusina kapag kakain kami. Pero ngayon, something is different.

"Tahimik niyo ngayon ah?"tanong ko sabay tawa.

"Kumakain pa kami. Wait lang. Pagkatapos naming kumain, mag iingay na kami"sagot ni JM. Ayown naman pala! Haha!

Natapos na yung iba sa kakain hanggang sa kami nalang ni V ang natira. Agad ng pumunta ang anim na alien sa sala at nagsimula ng mag-ingay.

"Hindi pwede! Kumuha ka ng isa dun!"sigaw ni JK.

"Pahingi naman o! Kahit isa man lang!"sigaw din ni JM. As always, sila talaga yung pinakamaingay.

"Bahala ka basta ayokong mamigay"sabi ni JK sabay tago sa marshmallow sa likod niya.

"Sige na! Isa lang talaga, promise!"pagmamakaawa ni JM.

"Tigas talaga ng tubol mo. Sabing ayoko eh! Amp!"sigaw ni JK.

"Hmph! Edi wag! Mabaog sana yung hindi mamigay"sigaw din ni JM na ikinatawa lang namin.

Tapos na kaming kumain ni V at nilagay ko sa sink ang mga plato. Sabi ni V na siya nalang daw ang manghugas ng plato kaya tumango nalang ako. Wala akong magawa eh, haha.

Naalala ko na nagaway pala si JM at JK dahil lang sa isang marshmallow. Kaya kumuha ako ng isa pang pack of marshmallow at binigay sa kay JM.

"Blee! May marshmallow na ako!"sabi ni JM kay JK at binehlatan pa ito. Haha, ang childish talaga sa dalawang ito.

'Edi wow!"sabi ni JK at kumain na sa mallows niya.

"Haha alam kong nainggit ka dahil mas marami pa itong sakin keysa sayo"sabi ni JM.

"Bakit naman ako mai-inggit eh mas masarap pa tong sakin keysa sayo"sabi din ni JK na ikinasama ng tingin ni JM sa kaniya.

"Ano ba yan! Itigil niyo na nga yang childish fight thingy na yan! Ang ingay niyo"epal ni RM.

"Edi takpan mo yang tenga mo!"sabay na sabi nina JM at JK kay RM.

Sinamaan lang ni RM ng tingin ang dalawa habang yung dalawa naman ay nagpatuloy lang sa pagkain ng mallows.

Kinain kami ulit ng tahimik. Napansin ko na napakaseryoso nilang nanonood ng movie. Hindi ko alam kung ano yang pinanood nila dahil busy akong nagbabasa dito pero alam ko na kdrama yun.

"Marie! Tapos na yung movie!"sabi ni JM.

"Sige, ano na naman ang gagawin niyo ngayon?'tanong ko sabay kuha sa remote at tinurn-off yung T.V.

"Uhm, ewan ko"sabi ni JK.

"Alam ko na! Punta kaya tayo sa bitch?"sabi ni V.

"Beach yan prinsipe"pagcorrection ni JM sa kay V.

Ang Boyprend Kong AlienTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon