Alien 7:

991 49 11
                                    


Marie's P.O.V

Kinabukasan

Lag-lag panga naman ako nung nakita ko ang mga aliens na super mahimbing pa talaga ang kanilang pagtulog. Si RM ay nakanganga pa, si J naman, ayun tulo laway, si S naman ay parang wala lang normal lang ang posisyon niya, si JM naman, ayun ang cute niya, nakahug pa nga sa unan eh, si JH? Ayun, lakas makahilik. Si JK? Normal lang din kaya lumabas nalang muna ako para magpahangin.

Wews, for the first time ako naunang nagising sa kanilang lahat. Ang sarap tuloy sa pakiramdam.

"Magandang umaga."

Muntik na akong mapasigaw sa gulat ng nakita ko si V na nakasandal na pala sa bubong. Sino ba kasi ang hindi magugulat kung bigla-bigla nalang susulpot 'tong kumag na'to sa likod mo na parang slendrina, aber.

"Ano ginawa mo diyan?", agad na tanong niya.

"Nagpahangin lang.", sagot ko na ikinakunot-noo niya lamang.

"Mahangin naman dun sa kwarto ah.", sabi nito bago tumabi sa'kin.

"Fresh air gusto ko.", kibit-balikat kong sagot.

"Fresh naman dun ah.", sabi niya. Leche. Ang kulit talaga sa hinayupak na'to. At dahil ang kulit niya, binatukan ko na.

"Aray naman."

"Ayieeee! Gusto ko din mabatukan!", biglang sulpot ni JH na ngayon ay nangchichismis na naman.

Kaaga-aga pa tapos ang lalaki-laki na ng bunganga sa putragis na'to. Mas malaki pa ata sa ilong ni JK.

"JH, bat ba ang hilig mong sumigaw? Ang aga-aga pa, oh! Dinidisturbo mo ang mga kapitbahay natin.", sabi ni V. Ayan, pinapagalitan ka na sa prinsipe.

"Ha?Anong kapitbahay?", tanong naman ni JH. Hindi niya alam? Hindi ba uso ang kapitbahay sa planeta nila?

"Tch, hindi mo 'yon alam? Yung ano...uhm... ano nga iyon?", tanong din ni V sakin. Akala ko alam din niya ngunit hindi din pala. Abnormal 'tong mga 'to.

"Kapitbahay. Yung bahay na tabi sa atin. Ayon oh.", sabi ko tsaka tinuro ang bahay na malapit lang sa amin. Tumatango-tango lang din naman sila na parang aso.

"Ehh, ano sa english yun?", tanong ni JH. Aba'y nagtanong pa nga sa english eh hindi niya nga alam ang ibig-sabihin eh. Hahaha kaloka 'tong mga 'to.

"Uhm..english ng kapitbahay? Holdhouse siguro", sagot ni V. At dahil sa sagot niyang palpak, agad naman akong humagalpak ng tawa.

"NYAHAHAHAHAHAHA!"

"Ha? Bakit? Anong nakakatawa sa sagot ko? Tama naman yun diba?", seryoso niyang tanong kaya napatawa na naman ako ulit. Huminto na ako sa pagtawa noong naging kulay puti ang buhok nilang dalawa ni JH. Parang mga lolo lang.

"'Neighbor' kasi ang english ng kapitbahay, V", sagot ko na ikinatangi din naman kaagad ni V.

"Ah, ayon. Neighbor pala. Akala ko holdhouse eh kasi nga kapit-bahay. Kapit, hold. Bahay, house. Tsk.", sabi ni V atsaka niya sinabunutan ang sarili niyang sarili. Baliw, amp.

"Neighbor? Bat nasali ang tunog sa kabayo diyan?", epal ni JH na ikinatawa lang din naman namin ni V. Mga buang 'tong dalawang 'to.

"Bumaba na nga tayo! Gising na ata sila.", sabi ni V atsaka ito naunang bumaba na ikinasunod naman din namin.

Ang Boyprend Kong AlienTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon