ENJOY READING GUYSEU! <3
####
Marie's P.O.V
"Now, let's all welcome, the Valedictorian! Marrisa Swarez!"
Clap clap clap clap!
Pinahiran ko muna ang precious luha ko sabay rampa na sa stage. Binigay naman sa principal ang diploma at ang mga awards ko sabay picture saglit then bumaba na.
Gosh, hindi ko talaga inexpect ang araw na'to na ma valedictorian pala ako. Thank you so much, Lord!
"Oh my gosh. Look at you! Carrying tons of awards. Congratulations, bestie! Proud na proud talaga ako sa'yo! Iniinggit mo talaga ang kokote ko." Sabi ni Mia. She's my childhood bestie. Until now, we're still carrying the friendship that we made ever since.
"Hehe, hindi naman masyado. Tsaka itigil mo nga yang inggit mo! Matalino ka din naman eh tsaka ako nga dapat mainggit sa'yo dahil ang galing mo sa mga arts! Wala akong talent nyan eh." sabi ko ngunit ningitian niya lamang ako at hinampas.
Nasa Korea ang pamilya ko. Walang ibang umattend sa graduation ko kundi kami lamang ni Mia ang magkasama. Pero okay lang din naman and I understand lalong-lalo na't busy'ng-busy talaga sila sa trabaho.
As of now, bakasyon na! Yes! Sa wakas makapag relax na ako sa bahay. Nakakapagod ang journey sa klase pero grabe ang worth it!
"Oy bestie! Online ka mamaya ah?"tanong ni Mia sa'kin habang hinuhubad ang kaniyang heels.
"Sige sure!", matipid kong sagot tsaka siya ningitian ng matamis.
After graduation ay umuwi na ako mag-isa. Hindi ko kasabay si Mia ngayon dahil magkakaroon sila ng family overnight sa isang resort para doon i-seme-celebrate ang graduation ni Mia. How cute!
And habang naglalakad ako papunta sa bahay namin, pinagtitigan naman ako ng mga tao ng dahil sa maraming awards na bit-bit ko na kung saan, ito ay nagbibigay attention sa kanila.
Bumati naman sila sa'kin, na kung saan kahit na hindi ko kilala yung tao ay bumati din. Syempre nagpasalamat na ako sabay ngiti sa kanila ng matamis. Hindi kaya ako masungit. Well, mga slight lang.
"Congrats Marie!"
"Thank you po!"
"Uy congrats pala!"
"Salamat po!"
"Omg congrats iha! Sayo ba lahat yan?"
"Ah, opo. Hehe, salamat po!"
And so on.
Haaay! Sa wakas! Nandito na ako sa black and white na bahay namin! Grabe, napayakap tuloy ako sa pintuan. Wala lang, masaya lang ako dahil makakarelax nako dito ng mahimbing.
Dali-dali naman akong pumasok at nagbihis na din. Dumiretso kaagad ako sa kusina para kumuha ng pagkain then balik na ulit sa kwarto para mag online.
Oo nga pala, ako lang mag-isa dito. Sanay naman din ako na walang kasama. I mean, gusto ko lang na mag-isa ako. Kaya heto ako ngayon, fully peace and alone. Atsaka only child lang din naman ako so...yeah.
Pero syempre sa akin din ang lahat ng kilos like magluluto ako kapag gutom ako, maliligo ako, manonood ng T.V, maglilinis like magwawalis. Inutusan kasi ako ni mama na dapat palaging malinis ang bahay para maganda tingnan. Atsaka, sino naman ang may gusto basta madumi yung bahay diba?
[Congratulations, baby! Kakatapos lang namin ng papa mo ang panonood ng live stream sa school mo. Narinig din namin na valedictorian ka! We're so very proud of you, anak!]", biglaang message ni mama sa messenger ko.
BINABASA MO ANG
Ang Boyprend Kong Alien
Fiksi Penggemar(Completed) (Still Editing) May isang kababalaghang nangyari sa bahay ni Marie na kung saan, hinding-hindi niya talaga ito makakalimutan! Just then, a handsome-pervert, sweet, abnormal, polokoy na 4-d alien trespassed in her house. Ano kaya ang ga...