Alien 59:

390 11 0
                                    

Marie's P.O.V



"Papa! Aalis na po kami ah?", pagpaalam ko sa kay Papa.



"Sige anak. Mag ingat kayo. Wag muna kayong gagawa ng apo ah? Ayaw pa ng mama niyo na ma lola siya ahaha", biro ni papa kaya agad naman siyang hinampas ni mama.



Haha, ang cute ng pamilya ko.



"Haha hindi ngayon pero SOON po", sabi ni V at ngumiti ng nakakaloko sa'kin.



Hinampas ko siya gamit ang bag kong dinala.



Umalis na kami sa bahay at sumakay ng taxi papunta sa bahay ni Mia. Nandoon raw si J kasama niya kaya inembita niya kami na mag se-sleepover sa kanilang bahay.



"By the way mahal, nasan pala yung ibang alien?", tanong ko kay V.



"Ah sila? Papunta na din sila doon sa bahay. Kakatext ko lang sa kanila kanina. Ti-next ko na din sa kanila ang address", sabi niya sabay rectangular smile.



Ngumiti nalang din ako at sumandal ako sa braso niya. Hinawakan niya ang mga kamay ko at hinaplos ang buhok ko at hinalikan ito.



"Mahal, pangako. Hindi na kita iiwan", sabi niya.



Napatingin ako sa kanya at ngitian ko siya. Naging kulay pink kasi yung buhok niya eh tsaka ang cute niya nun.



"Sure ka? Pero paano na yung planeta at pamilya mo doon?", tanong ko pero tinawanan lang niya ako.



"Ah sus. Don't worry, bibisitahin ko naman sila pero syempre, isama kita. Ayokong iiwan kita dito", sabi niya.



Awee. Ang swerte ko talaga sa alien na'to. Pinakita niya talaga sa'kin na mahal niya ako at hinding-hindi niya ako iiwan.



"Wow. Ang sweet ng alien ko ah? Bakit mo naman nasabi na ayaw mo akong iiwan dito?", tanong ko sa kanya.



"Eh syempre wala akong kahawak-kamay doon", sabi niya at nag pout."I'm gonna put some super glue on my hands so I can hold you forever", sabi niya.



Naks naman. Kinilig na talaga ako pero grabe naman yung super glue diba? Haha.



"Cheesy mo pero grabe ka. Super glue talaga? Hindi ba pwedeng glue lang or paste?", tanong niya.



"Nah. Paste? Tch. Too common. Ayoko nun. Gusto ko super glue para hindi ko na mahiwalay ang mga kamay ko sa kamay mo at gusto ko, ako lang ang hahawak sa kamay mo at wala ng iba", sabi niya.



Okay. Aaminin ko, napaka corny na niya pero still, hindi talaga mawawala tong kakilig overloadness ko. Hayst.



Ilang minuto ay nandito na kami sa bahay ni Mia kaya agad na kaming nagbayad at bumaba na sa taxi. Pagkapasok namin sa gate, nakita ko kaagad sina J at Mia pati na yung mga ibang aliens na nasa ground.



First na nakakuha ng attention ko is yung mga colorful lights tapos yung mga masasarap na pagkain. Para kaming nagpi-picnic dito. I love it.



"Waaaah Marieee!", sigaw ni JM at talagang tumakbo ba papunta sa'kin.





Yayakapin na sana ako ni JM kaso nagpagitna si V at si V mismo yung nayakapan ni JM.



"Wag mong hawakan ang mahal ko. Ako lang dapat ang hahawak sa kanya", sabi ni V sabay hawak sa kamay ko.



Haha. Naalala ko tuloy si papa. Overprotective niya kasi eh. SUPER.



Ang Boyprend Kong AlienTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon