Jusme. Malapit ng matapos ang storyang to. Nagdadalawang isip talaga ako kung gagawan ko pa ba to ng BOOK 2 o hindi. Kasi kung gagawa ako ng book 2, ano naman ang ita-title ko? XD Tae naman. XD AHAHA
####
Alien 58:
Marie's P.O.V
Ang saya-saya ko ngayon. SUPER HAPPY. Masaya ako dahil kasama ko na ang mahal kong alien. At hindi lang yan, uuwi na din ang pamilya ko dito.
So nandito na sila sa bahay at exactly 2:00P.M in the afternoon and since umaga pa ngayon, pumunta ako sa kusina para magluto kaso pagbangon ko sa kama, nawala na si V sa tabi ko.
But suddenly, may nasinghot akong mabango na bagay sa kusina. Sinundan ko ang baho na yun at nakita ko si V na nagluluto ng carbonara. Nakita niya ako kaya ngumiti siya at lumapit sa'kin tsaka hinalikan ako sa noo, ilong tsaka sa lips. Napangiti ako sa ginawa niya at hinalikan ko din siya sa cheeks.
Binalik na niya ang kanyang ginawa sa pagluluto ng carbonara. At nung tapos na siya, tri-nansfer niya ito sa malaking bowl at nilapag sa mesa. Umupo na kami sa silya at nagumpisa ng kumain. Sakto lang naman ang lasa at sakto lang din ang pagtimpla. Pwede na siya maging chef. Chef sa buhay ko. Charot.
"By the way V, uuwi na pamilya ko dito", sabi ko sa kanya.
"Alam ko yan. 2:00P.M nga sila uuwi dito eh haha", sabi niya sabay pakita sa kanyang rectangular smile.
Nakakunot ang noo ko sa sinabi niya. Bakit alam niya yun? Bakit---ay teka, may naalala ako. Alien nga pala to and he can read my mind.
"Ah okay", sabi ko nalang at pinagpatuloy ang pagkain.
"Marie", tawag niya sa pangalan ko. Gosh, I missed his deep voice. Ang tagal ko ng hindi nakarinig sa boses niyang mas malalim pa sa dagat. Tsaka, ang sarap pakinggan nun ah.
"Hm?", ako at tumingin sa kanya na nakataas ang kilay.
Nakakunot lang ang noo ko nung bigla siyang nag pout sa'kin at tumingin sa labi ko. Teka, why is he looking me in that way? May problema ba tong alien na to?
"O, bat ka ganyan makatingin sa'kin?", tanong ko.
"Malungkot ako", sabi niya.
Kung malungkot siya, bakit hindi naging kulay asul yung buhok niya kundi black pa din ito?
"Bakit naman?", tanong ko sabay subo sa carbonara.
"Hindi kasi natin ipinagpatuloy ang moments natin kagabi. Diba sabi mo 'sa bahay nalang natin ipagpatuloy' kaso nung nakarating na tayo dito, bigla ka nalang humiga sa kama at natulog", sabi niya.
Uminit ang buong mukha ko sa sinabi niya. Eh kasi naalala ko na naman yung nangyari kahapon. Leshe talaga tong alien na'to.
Tinawanan lang niya ako while ako sinamaan siya ng tingin at hinampas gamit ang kutsara.
"V naman. Mamaya na yang mga bagay na yan. Kasal muna bago ganyan", sabi ko.
"Eh di magpapakasal na tayo ngayon para magawa na natin yung masarap thingy", sabi niya at kinindatan ako na ikinapula pa ng mukha ko.
And again, hinampas ko na naman siya gamit ang kutsara but this time, medyo malakas na yun kaya napapaaray siya pero tumawa pa din siya.
BINABASA MO ANG
Ang Boyprend Kong Alien
Fanfiction(Completed) (Still Editing) May isang kababalaghang nangyari sa bahay ni Marie na kung saan, hinding-hindi niya talaga ito makakalimutan! Just then, a handsome-pervert, sweet, abnormal, polokoy na 4-d alien trespassed in her house. Ano kaya ang ga...