Marie's P.O.V
Umaga na naman and as usual, maaga na naman akong nagising. Pero syempre mas maaga ang alien na'yon. Nawala na kasi siya sa higaan niya eh.
Bumangon na lamang ako at nagbanyo saglit then dumiretso kaagad sa kusina sabay kuha ng cookies at gatas atsaka kinain ito. Saktong pagkatalikod ko ay muntik naman itong nahulog dahil nabigla na naman ako sa hinayupak na alien na ito.
"Magandang umaga!", sigla niyang sabi at ngumiti pa talaga ito ng malapad sa'kin. Yung tipong pakita niya talaga ang kaniyang shiny white teeth.
Ngumiti din naman ako tsaka siya ini-greet ng pabalik. "Ohayo Gozaimasu!", sabi ko na ikinakunot lamang sa kaniyang noo at ikinaputi din sa kaniyang buhok. Bahahaha mukha siyang tigulang!
"Why are you saying those funny words?", tanong niya. Aba! Funny words tawag niya dun?
"Loko ka. Hindi funny words 'yon. 'Ohayo Gozaimasu' means 'Good morning'.", pag-explain ko sa kanya sabay kagat sa cookies na bitbit ko.
"Ow-hai-yow gu-zay-mash.", pag-uulit nito. Tumango din naman ako since malapit-lapit lang din naman ang kaniyang sinabi.
"Mhmm, tama ka! Pero teka, kumain ka na ba?", tanong ko. Syempre maconcern ako na tao eh.
"Busog pa ako. Salamat.", sagot niya. Namangha naman ako sa sagot niya atsaka pinagpatuloy lamang ang pag-kain.
Nakakatawa lang isipin muli na noong first time niya palang dito ay may kasama pa talagang halik sa tuwing sasabihin niya ang 'salamat' at 'sorry'. Ang cute lang.
Hoy gaga, anong cute? Cute tawag mo don? Eh halos mamamatay ka na nga sa iyak ng dahil sa pandidiri noon eh. Tumigil ka nga diyan, self! Ang harot mo na, ew.
Maya-maya pa lamang ay tapos na akong kumain kaya agad naman akong uminom ng tubig at hinarap na yung alien pero pagkaharap ko sa kaniya ay agad ko namang napansin ang mga mata niyang lumalaki as in mulat na mulat talaga. Yung parang nagugulat ganon.
Actually, mukha siyang tarsier. Gwapong tarsier mismo. Charot.
"Bakit ganyan ka makatingin sa'kin?", tanong ko sa kaniya. Nagulat ba siya ng dahil sa talbog na kagandahang dinala ko? Charot ulit.
"P-pumula ang mukha mo!", agad na tanong niya sa'kin at talagang tinuro pa niya ang mukha ko. Mukha ko pula? Weh? Sa pagkakaalam ko, manok na pula lang yung meron. Charot na naman ulit.
Corny ko, gago.
Kumunot lamang ang noo ko at agad namang kumaripas ng takbo sa banyo para tingnan ang mukha kong maganda. At ayon, pula nga.
Pero hindi naman mukha talaga eh! Yung sa may bandang pisngi lang naman. Mainit kasi eh kaya ako nagkaganito. Sensitive skin ko, gosh!
"Galit kaba sa sarili mo?", tanong niya sa'kin in a worrying tone. Oh my gosh, ang ganda pakinggan sa boses niyang yun. It is so relaxing and--ano ba'yan! Anong relaxing? Buang ka na nga talaga, Marie.
"Hindi ako galit. Sadyang mainit lang talaga ang panahon ngayon kaya ako nagkaganito.", sabi ko atsaka umupo na lamang sa sofa at pinagpatuloy ang panonood ng t.v.
"Ah, mainit nga naman. Pati nga ako naiinitan din eh.", sabi niya. Ows? Mabuti naman at hindi pala ako nag-iisa.
"Ah, makakaramdam din pala kayo ng init. Mabuti naman."
"Oo, pero hindi dahil sa panahon ang rason ko kung bakit ako naiinitan ngayon.", sabi niya. Smirking at me.
Wait, what? Smirking?
BINABASA MO ANG
Ang Boyprend Kong Alien
Fanfic(Completed) (Still Editing) May isang kababalaghang nangyari sa bahay ni Marie na kung saan, hinding-hindi niya talaga ito makakalimutan! Just then, a handsome-pervert, sweet, abnormal, polokoy na 4-d alien trespassed in her house. Ano kaya ang ga...