Alien 5:

1K 52 6
                                    

Marie's P.O.V

Hindi pa muna kami kumain kasi tinuruan pa ni V ang mga alienism kung paano gamitin ang mga kutsara't tinidor at ang mga bagay na maaring gawin at hindi gawin dito sa earth.

"Okay alienism, so yang circular shape na nasa harapan niyo.", sabay turo ng plato. "...ay yun ang mga nilalagyan ng mga pagkain gaya nito.", atsaka tinuro niya ang mga ulam. "...na gets nyo ba?", tanong niya ulit.

Tumango-tango naman ang mga kaibigan niya na parang aso. Ahaha! Ang cute nilang tingnan!

"At kung gusto man kayo magpasalamat o manghingi ng tawad, sabihin niyo lang ang 'Thank you' at ang 'I'm sorry' at iwasan niyo ang paghalik dito kasi bastos iyan sa planetang earth.", dagdag pa niya.

"Bakit bastos?", tanong naman ni S.

"Kasi ang paghalik nila dito ay para sa mga magkasintahan lamang. Magkaiba ang batas ng planet earth at tompak ganern. At since nasa earth tayo, sumunod nalang tayo para walang gulo. Okay?", pag-explain ni V na ikinatango naman nilang lahat.

Grabe! Super duper namangha na talaga ako sa alien na ito. Akalain mo ang lahat ng role ay bagay sa kaniya! Napaka-talented talaga!

"Sige, boss. Nasa utak na namin ang lahat ng mga pinagsasabi mo pero pwede taympers muna? Kanina pa kasi ako natutuyuan ng laway sa kakatitig ng bulati na kulay puti eh. Mukhang masarap yata 'to.", sabi ni JM na ikinatitig din naman ni V sa kaniya. Kawawang alien!

"Carbonara 'yan. Hindi bulati na kulay puti.", pagco-correction ni V sa kaniya.

"Ang hirap namang i-pronounce!", reklamo ni JH kaya sinamaan lamang siya ng tingin ni V.

"Edi wag mong i-pronounce para hindi ka mahirapan. Shonga ka? Tss.", pasimpleng sabi ni V atsaka niya inirapan si JH. Omg girl bagay na bagay niya talaga ang bakla na role. Charot. "Now, let's eat.", dagdag nito at kumain na kami.

Syempre tahimik lamang kaming kumain dito sa mesa. Yung tipong ang tunog lamang ng kutsara at tinidor ang maririnig mo. Idagdag mo nalang din ang pag-ngunguya ni JH na kung saan, nagmumukha na siyang kambing dito. Kabayo talaga yata 'to eh. Charot.

"By the way V, bakit ka pala napadpad dito?", biglaang tanong ni JK sa halimparot.

"Bulok kasi ang U.F.O na'yon. Sira na yata ang makina kaya ayun, hindi kinaya.", simpleng sagot naman nito.

"Sira? Ano pala ang ginamit mong U.F.O?", tanong naman ni JK.

"Yung U.F.O na may makina.", V.

"Tanga. Malamang may makina! Shonga ka? Ano nga?", JK.

"De joke lang. Pasensya. Yung U.F.O 250-910-XYZ.", sagot ni V.

Anong klaseng U.F.O 'yan?

"Nyoom! Nyoom! Nyoom! Ang sarap naman ng mga pagkain dito sa earth! Nyoom! Nyoom!", pag-iingay ni J at nagulat ako dahil sumunod din naman ang iba. Parang mga lamok lang eh no?

"Patawarin mo ako sa kanilang pinakitang ugali, my beloved precious. Sadyang nasarapan lang sila ng sobra sa pagkain dito kaya'y silay nagkaganyan.", biglaang bulong sa akin ni V na ikinatayo lamang ng balhibo ko. Ampotek naman ng halimparot na'to! May pa bulong-bulong effect pa eh hindi naman ako bingi! Amp.

Pero teka, ano yon? Ano daw? Beloved precious? M-my beloved precious?!

Tukmol! Kailan niya pa ako naging sa kaniya? Char. Ang O.A mo, Marie. Untog kita sa bubong eh.

Ang Boyprend Kong AlienTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon