Marie's P.O.V
*KINABUKASAN*
Pagkagising ko sa umaga ay wala na si V sa tabi ko pero may narinig akong ingay sa labas ng bahay kaya agad akong sumilip sa bintana at nakita ko yung mga alien na naliligo sa swimming pool.
Agad ko ng sinuklayan yung buhok ko at bumaba na kaso pagbaba ko, agad kong nakita si S na nakaupo lang sa sofa, nanonood ng T.V.
"Gising ka na pala. Good morning!", bati niya sa'kin at ngitian ako.
"Morning din. Bakit nandito ka? Akala ko nakisabay ka din sa mga alien doon", sabi ko sa kaniya pero he just shrugged.
"Ayoko. Pagod ako eh. Mas mabuting magpahinga", sabi niya. Palagi ka namang nagpahinga ah.
"Ah okay. Sige, labas muna ako", sabi ko na ikinatango lang niya at lumabas na ako.
Pagkalabas ko ay agad akong umupo sa bench at nanonood sa kanila. Nung napansin nila ako, bigla nalang silang tumigil at tumingin sa'kin. Ano tinitingin-tingin nila diyan?
"GOOD MORNING MARIE!", sigaw ni JH na ikinangiti ko lang sa kaniya. Nagpatuloy lang sila sa mga pinanggawa nila habang ako dito ay nanonood lamang.
"Mahal! Dali! Swimming tayo!", masayang sabi ni V sa'kin pero umiiling-iling lang ako. Ayokong maligo sa ganitong oras no! Ang lamig kaya ng tubig.
"Ayoko. Dito lang ako", sabi ko na ikinapout lang niya. Tinatamad din kasi akong lumangoy ngayon eh. Haha.
Napansin ko si V na nakikipag-usap siya sa kaniyang mga kaibigan at tumatango-tango sila na parang timang at ibinaling ulit ang tingin ni V sa'kin pero nakangisi na siya. The heck! Anong balik sa alien na'to?
Biglang uminahon si V sa swimming pool kaya kitang-kita ko yung abs niyang nakakasilaw sa mata. Nakangising lumapit siya sa'kin habang ako dito ay parang na glue na sa kinauupuan ko.
"A-anong balak mo ha?", tanong ko sa kaniya pero hindi siya nagsalita kundi ngisi lang ng ngisi. Letseng ngisi na yan!!
"HALIKA KA NGA RITO! HAHA!", sabi ni V sabay buhat sa'kin na pang bridal style at humagalpak ng tawa. What the eff?!
"H-hala HOY! Ibaba mo ako! Depungal ka! Wag mo akong isali sa mga kalokohan niyo!", inis kong sabi sa kaniya pero tinawanan lang niya ako.
"Ayoko. Pag hindi ka tumahimik diyan, dadapo talaga 'tong labi ko sa labi mo", sabi ni V na ikinatigil ko sa pagsalita. Takte ka talagang alien ka!
Binaba na niya ako nung nasa pool na kami kaya eto ako ngayon, para ng nakuryente dahil ang lamig po ng tubig. SOBRA!
Agad akong uminahon at tiningnan sila ng masama pero tinawanan lang nila ako na parang timang. Humagalpak pa nga eh.
"Hahah! Ang cute mo mahal!", sabi ni V sa'kin at talagang kinindatan pa ako. Inismiran ko lang siya at sinamaan ulit ng tingin.
"Tumahimik ka! Depungal ka talaga. Nilalamig ako o! Punyetas!", inis kong sabi pero tinawanan lang nila ako. Aish!
Kinuha ko yung tuwalya na nakasabit sa hanger at ibinalot ko yun sa katawan kong nilalamig. Takte. Ang lamig.
BINABASA MO ANG
Ang Boyprend Kong Alien
Fanfiction(Completed) (Still Editing) May isang kababalaghang nangyari sa bahay ni Marie na kung saan, hinding-hindi niya talaga ito makakalimutan! Just then, a handsome-pervert, sweet, abnormal, polokoy na 4-d alien trespassed in her house. Ano kaya ang ga...