Alien 9:

834 36 4
                                    



Marie's P.O.V


Nasa palagitnaan ako sa pagtulog nung may biglang gumugusot-gusot sa mukha ko kaya tinaboy ko iyon pero hindi parin huminto yung may gumusot sa mukha ko.

"Hm? Ano ba?!", inis kong tanong without looking kung sino yung gumugusot-gusot sa mukha ko.

"Tulog mantika ka talaga. Gising ka na mahal at kakain na tayo. Tanghali na o", rinig kong sabi ni V kaya agad naman akong napabalikwas ng bangon at agad na tumingin sa orasan ko sa gilid.

Tae. Sobrang pagod ko yata kahapon. Tsaka first time ko itong gumising ng napakatagal. Grabe talaga. 

Sabay kaming pumasok ni V sa kusina at nakita ko kaagad ang anim na alien doon na kumakain na. 

"Tagal mong gumising, Marie ah?", sabi ni JM at talagang humagalpak pa sa pagtawa. Ngitian ko lang siya at umupo na.

"Nasarapan ka ba sa panaginip mo?", tanong naman ni JH sabay tawa kaya nakitawa nalang din ako.

"Haha hindi. Napagod lang talaga ako kahapon", sabi ko at nagumpisa ng kumain. Tumango lang sina JH at JM at nagpatuloy na sa pagkain.

"Napagod ka ba sa kakapicture sa aking gwapong mukha?", tanong naman ni JM at talagang nagpogi-points pa pero bigla siyang binatukan ni JK at sinamaan ng tingin.

"Yabang mo talagang unanong ka. You got no jams kaya ako mismo yung gwapo", sabi ni JK na ikinangiwi lang ni JM sa kaniya. Mga kaloka talaga tong dalawang 'to.

"Ako yung gwapo dito, period", sabi naman ni RM na ikinatawa ko lang. Grabe naman tong mga to. Pag-awayan pa naman ang kagwapuhan nila eh gwapo naman silang lahat. Pero syempre, si V talaga yung original. Haha. Di joke.

"Para walang away. Ako yung pinakaoriginal na gwapo dito", sabi naman ni S na ikinasama ng tingin ni RM sa kaniya. Mga ulol talaga.

"Mga bibwit. Kung wala ang kagwapuhan ko, syempre wala din kayo kaya ako mismo yung pinakaoriginalest na gwapo dito", sabi ni J na ikinahiyaw nilang anim. Gago. May word ba na 'originalest?' haha. At dahil ang ingay nila, napaface-palm nalang ako at umiiling-iling.

Pagkatapos naming kumain ay nilagay na namin yung mga plato sa sink. Akmang manghuhugas na sana ako kaso bigla akong pinigilan ni J at siya nalang raw yung manghuhugas kaya tumango nalang ako at dumiretso na kami sa guest room para doon magpatuloy sa pagchika.

"Bakit mag-isa ka lang dito Marie? Nasan ba pamilya mo?", tanong ni RM sa'kin.

"Nasa ibang bansa kasi ang pamilya ko. Nagta-trabaho doon para magkapera kami", sagot ko na ikinatango lang ni RM.

"Ah, kaya pala mag-isa ka lang dito?", tanong ni JK na ikinatango ko lang at yumuko na. Speaking of family, nami-miss ko na sila tuloy. Ang tagal na kasi naming hindi nagvi-video call eh. Pati na nga din si Mia, hindi na nago-online. 

"Marie, umiiyak ka?", biglang tanong ni JM sa'kin na ikinalingon ko sa kaniya.

"Hindi no. Nage-emote lang", sagot ko at tumawa kaya tumawa din sila.

"Hindi mo ba nami-miss ang mga love ones mo?", tanong ni S sa'kin na ikinalingon ko sa kaniya.

"Na miss ko naman sila. Sobra pa nga eh", sabi ko na ikinatango lang ni S at ngumiti lang siya sa'kin.

"Kung miss mo sila, malamang miss ka na din sa mga yun", sabi ni S na ikinatango ko lang at ngumiti din sa kaniya. After that, kinain kami sa tahimik ulit pero biglang binasag ni JK yung tahimik dahil bigla nalang siyang sumigaw.

Ang Boyprend Kong AlienTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon