Alien 50:

313 11 0
                                    

Marie's P.O.V



After that crazy shopping ay umuwi na kami at agad akong dumiretso sa kwarto para magbihis ng pambahay.



Gumabi na kasi eh dahil ang rami pa naming ginawa doon sa mall. Shopping, playing, salon, etc.



At pagkalabas ko sa kwarto, nabungad ko si Mia sa living room na nanonood ng T.V. Napansin ko na may tissue sa tabi niya at isang basong tubig sa side table.



"Bat nandiyan ang tissue?", tanong ko sa kanya.



Hindi siya umimik. Nakafocus lang siya sa panonood ng T.V.



Lumapit ako sa kanya at tiningnan siya.



Napansin ko na may luhang tumutulo sa kanyang mga mata. Tiningnan ko ang movie na pinanood niya pero ang movie na yun ay isang comedy.



Pero bakit siya umiiyak? Di kaya'y umiiyak siya dahil sa katawa ng tawa?



"Uy. Okay ka lang?", tanong ko ulit.



And again, hindi pa din siya umimik.



Natanggalan ba ng dila tong kaibigan ko at talagang ayaw pa niyang sagutin ang mga tanong ko.



Nagulat nalang ako nung tiningnan niya ako STRAIGHT IN THE EYE na walang kurap-kurap.



"A-anong nangyari sa'yo? B-bat ka ganyan makatingin sa'kin?", tanong ko sa kanya.



"Our relationship is over", biglang sabi niya.



Nakakunot lang ang noo ko habang nakatingin sa kanya.



"Relationship over? Kanino? Ni J?", tanong ko.



Sinamaan niya ako ng tingin pero madali lang naman niya itong binalik sa normal na tingin.



Gosh. Na we-weirduhan na talaga ako sa bestfriend ko.



"Uy. Okay ka lang talaga? You look so weird at scary", sabi ko sa kanya.



Guminhawa siya ng malalim at nagulat nalang ako nung bigla niya akong niyakap ng biglaan at umiyak ng iyak sa likod ko.



I knew it. May mabigat na problema talaga tong si Mia. Kilala ko siya kaya alam ko na mismo na may problema siya.



"Teka lang, wag mo ngang gawing pampahid sipon yang t-shirt ko", sabi ko sa kanya.



Umiyak pa din siya ng umiyak habang nakayuko.



Niyakap ko siya at pinatahan pero ayaw pa rin tumigil.



"Tell me, what is your problem?", tanong ko sa kanya.



Wala pa din. Hanggang ngayon, hindi pa din siya umimik. Iyak siya ng iyak, hikbi siya ng hikbi.



"PINAASA NIYA AKO! INIWAN NIYA AKO! MAY IBA NA SIYA! PUTANG INA!", sabi niya.



Eh? May iba? Iniwan siya? Pinaasa siya?



"Sino ba yang hinayupak na yan?", tanong ko.



Tumigil siya sa pagkayakap sa'kin at kinuha ang phone niya. May pinakita siya sa'kin na picture sa isang babae at lalaki na naghalikan at nagyakapan.



Nakakunot ang noo ko habang tinitigan yung screen.



Familiar kasi tong lalaking to eh. Parang nakita ko na siya before.



Ang Boyprend Kong AlienTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon