Chapter 3

3.5K 150 11
                                    

Chronicles ng Babaeng Torpe

Chapter 3


5th Meeting History Petition Class

Oo na. Crush ko na nga siya.

Kahit tamad na tamad akong pumasok ng 6pm to 9pm ginagawa ko dahil nagbabakasakali akong makita siya. Wala lang natutuwa lang ako kapag nakikita ko siya. Happy Crush gano'n. Hindi ko naman kasi siya nakikita sa loob ng campus maliban sa klase namin ng Tuesday.

Ivo Campa. Ano ba kasing klaseng pangalan 'yan? Parang... ewan ko ba. Ang weird. Hahahaha! Biro lang po, future biyenan. (Char). 

Pero itong gabing 'to, lumapit siya sa'kin. (Charot). May umupo na kasing bago sa inuupuan niya dati kaya nalipat siya ng upuan. Two columns and one row away from me.

 Two columns and one row away from me

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hay! Admire sa view please. Thank you, Lord, nilapit niyo po siya sa'kin. Hindi na ko mahihirapan at hindi na ko mat-tempt na lumingon nang lumingon.

Pero shit. Late ko na na-realize. Hindi pala maganda na nasa unahan siya. Next meeting na lang sana siya lumipat. Putsa! Magr-report pa naman ako ngayon. Paano na?! Nakakahiya baka mautal-utal ako. Nyemas.

Bago magsimula ang report, nagpaikot na ng seatplan na kaniya-kaniya kaming sulat. All caps siya mag-sulat. Intense, ganern. Nanalangin talaga ako na mauna siyang magsulat para naman makita ko kung tama nga talaga 'yung pangalan.

Alam kong nalalapit na ang report ko, pero mabait talaga si Lord. Hindi ko alam kung anong sumapi kay Ivo Campa at pasimple itong lumabas ng kwarto.

Tapos hindi na bumalik.

Hanggang sa natapos na ang report.

Wala ng Ivo Campa.

"Galing mag-cut class," sabi ng katabi niyang babae habang kinukuha ang bag matapos ang klase. "Sana ako din."

Natawa 'yung isa pang babae. "Wala kasi siyang dalang bag eh. Hindi mo talaga mapapansin. Akala mo pupunta lang ng banyo."

Oo nga, wala nga siyang dalang bag. Sarili niya lang bitbit niya at cellphone. Hindi ko din alam kung paano siya nabubuhay nang gano'n.

Chronicles ng Babaeng TorpeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon