Chapter 13

1.9K 94 16
                                    

Chronicles ng Babaeng Torpe
Chapter 13

Tao lang din naman si Ivo.

Alam ko naman pero...

...there is something special about him.

Hindi ko alam kung ano eh. Wala. Gusto ko lang talaga siya.

Hindi ko alam kung bakit.

Alam ko din naman na magf-fade lang din sooner or later ang nararamadaman kong paghanga sa kaniya.

Gusto ko lang talaga siya. Ang fluffy niya nga kasi. Tas ayun... tahimik. Parang ang sarap niya lang inisin gano'n tas kapag nainis na yayakapin mo gano'n. Hay ❤😍 puso ko heto na naman kami.

"Gutom na ko," bulong sa'kin ni Blanca.

"Kumakalam na nga sikmura ko eh," pag-amin ko. Gutom na gutom na din kasi talaga ako eh. Wala pa kong breakfast tapos hindi pa ko kumain masyado kagabi.

Kaya hindi na talaga ako nagtataka kung bakit lumilipad 'yung utak ko. Wala nang pumapasok na lesson ng prof ko.

Kumalam na muli ang tiyan ko bago kami i-dismiss.

"Sabay ka?" tanong ko may Blanca.

"San mo gusto kumain?"

"Tipid muna tayo. Do'n tayo sa West."

"Sige, sige. Tara."

Habang naglalakad, nagpapatindihan kami ng gutom ni Blanca. Kagabi pa daw siya hindi kumakain dahil natulog lang siya.

Mas gutom siya kesa sa'kin.

"Ba't ang ingay?" tanong ko dahil parang ang daming tao sa covered West court. "Anong mayroon do'n?"

"Ah, 'di ba Science week na? Finals na yata ng basketball eh. Bio nga nandiyan eh."

"Tayo?! Talaga?" pagtawa ko. May mga player pala kami? Daming time mag-basketball ha.

"Oo, nakakagulat nga eh. Madami palang matangkad sa higher batch."

"Ahh."

"Gusto mo sumilip?"

"Sure!"

Ewan ko ba pero biglaang pagtapak ko sa kalsada nakaramdam ako ng kaba. Parang sabi ng gut feeling ko makikita ko si Ivo sa loob ng court na 'yun. Sobrang strange ng pakiramdam na alam mong siguradong-sigurado 'yung sinasabi ng sikmura mo.

Lumakas ang kabog ng dibdib ko. Bawat tapak parang iyon lang ang tangi kong naririnig.

Shit.

Shit.

.....

Shit talaga.

Si Ivo...

player ng Chemistry basketball team.

Nasaktuhan pa na 'yung side na nilapitan namin ay kung saan naganap ang isang foul at doon sila nakatayo.

Oh shit.

Puso ko.

"Si Ivo," sabi ko.

"Saan?"

"'Yun oh, number four." Number fourever. Eww. Corny jejemon.

"Ay oo nga! Wait, patapos na ba?"

Napatingkayad ako para masilip ang scoreboard pero walang nakalagay kung anong quarter na. Shit. "Baka fourth quarter na," nanlulumo kong sagot dahil sixty plus na ang score ng bio at fifty something ang sa chem.

Chronicles ng Babaeng TorpeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon