Chapter 16

1.5K 70 13
                                    

Chronicles ng Babaeng Torpe
Chapter 16

May mga crush ka na sobrang out of reach kaya susukuan mo na lang.

Alam ko naman 'yun. Lahat naman yata ng tao dadaan sa ganoong punto ng buhay nila... parang ako. Hindi lang naman hanggang tingin lang. Kaya ko din namang sumuko.

Ito 'yung biglaan ka na lang aatakihin ng emosyon tapos biglaang gusto mo nalang isuko lahat kasi alam mong walang patutunguhan.

Oo, Chyanne. Hanggang tingin ka lang naman talaga. Nga-nga forevs.

Kahapon, dalawang araw makalipas na malaman kong co-captain si Ivo Campa ng Science Basketball Team, nagkaroon ulit sila ng game kalaban ang Med School.

Todo effort pa ko para makasilay sa kaniya kahit alam kong male-late ako sa P.E. class ko na bawal ko nang pag-absent-an. Masaya naman ako na nakita ko siya kahit saglit, kahit doon lang ako sa labas ng gym nanonood.

Hindi ko natapos ang laro dahil pagdating ng alas-kwatro, nanakbo na ko sa venue ng P.E. class ko. Later that night, nalaman ko na lang na talo pala sila. Sadnu?

Hindi naman magaling na basketball player si Ivo eh. Parang, okay sige basketball tayo, marunong ako niyan pero hindi ako magaling na tipo ng player.

Hahaha! Reverse psychology na. Think negative para mawala na agad ang pagkagusto.

Pero totoo naman, kung magagaling sila na player edi sana hindi sila hirap na makapanalo ng game, hindi ba?

Napanghihinaan na ko ng loob. Ito 'yung pakiramdam tuwing binibitawan ko 'yung isang taong gusto ko. Para bang kusang lumulubog ang puso ko sa aking sikmura.

At ang mga susunod na pangyayari ay hindi nakatulong upang mapabuti ang kalagayan ko.

"Uy, may sasabihin ako sa'yo," sabi ni Blanca. "Wag kang magagalit ah?"

"Huh? Bakit naman?"

"In-add ko si Ivo Campa sa FB."

"Asus wala 'yun!"

Natawa pa ko. Oo, nakakatawa naman talaga. Bakit niya iniisip na magagalit ako kung ia-add niya si Ivo? Buti sana kung pag-aari ko 'yung tao na 'yun eh hindi naman.

Pero na-gets ko kung bakit niya sinabi sa'kin 'yun. Noong sinabi ko na 'wala 'yun' pakiramdam ko may tumusok sa dibdib ko. Isang bagay na matulis na biglaang bumaon. Parang 'yung sword lang ni Goblin sa dibdib? (Kailangan ko na humanap ng groom ko. Charing.)

Ang sakit.

Iyon yata 'yung unang sakit na naramdaman ko sa haba ng pagkagusto ko kay Ivo. External factor eh. Mas malaking hampas sa mukha ko.

At alam ko din kung bakit.

Maganda si Blanca. Simple lang at maliit na babae. Masayang kasama at laging patawa. Siksik sa talent at may maibubuga pagdating sa acads. Not that Ivo knows any of this... pero...

"In-accept na nga niya ko eh."

Tumango ako. "Hmm, mabuti naman."

"Iyon... wala namang laman Facebook niya. Walang picture kahit sa tag."

...hindi alam ni Ivo pero in-accept niya. Malay ko ba kung ina-accept niya lahat ng naga-add sa kaniya? Pero one of the probable reasons is kasi nga maganda si Blanca.

Samantalang ako... sino ba naman ako?

Chronicles ng Babaeng TorpeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon