Imagination #5

1.9K 77 1
                                    

Chronicles ng Babaeng Torpe
Imagination #5

(cont. of imagination #4)

Babala: Pawang imahinasyon lamang. Huwag idagdag sa kabuuan ng tunay na pangyayari.

Gaya ng sabi ko, hindi pa tapos ang gabing iyon.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Ate Chloe. "Dapat kanan na tayo do'n."

"Daan lang tayo saglit."

"Saan?"

Hindi siya sumagot at patuloy lang sa pagmamaneho. Hindi na din ako umeksena at sumandal na lang ng bahagya sa aking upuan. Madilim na. Palibhasa pasado alas-dose na at wala na masyadong kotse sa daan. Sa hindi inaasahang pagkakataon, biglang lumiko ang kotse sa tabing daan. May opening ito, iyong tipong may lasing na nag-drive tapos nabangga sa barrier at nalaglag sa bangin.

"Nice," sabi ni Stephen mula sa likod. "Tara baba!"

Nagsibabaan naman sila sa damuhan. Oo, damuhan talaga. Or talahib ba 'to? Overlooking ito ng city lights. Psh, may romantic side naman pala itong si Ivo. Pero imbis na matuwa ako, napaisip ako kung ilang babae na ba ang nadala niya dito. Lumabas din ako at habang nagsisigaw sila doon na parang mga unggoy na nakaala sa hawla (not sure sa spelling), nanatili lang ako sa unahan ng kotse. Ang lamig kasi kaya doon lang ako kung saan sumisingaw ang init ng makina.

Hindi rin naman lumayo si Ivo at sumandal sa bumper. Biglang lumakas kabog ng dibdib ko. Gusto niya bang makipag-usap kaya siya nag-stay. Luh, assumera.

Umatras na ko at sumandal din, nag-iwan ako ng esoasyo sa pagitan namin. "Bakit mo kami dinala dito?"

"Wala. Parang ito 'yung tamang puntahan ngayon eh."

"You have always seem detached to us. Parang gusto mo na lang kaming laging iwan. What changed?"

"I don't know. Siguro kasi naging komportable na ko sa inyo."

"Ngayon pa kung kailan tapos na?"

"'Yun na siguro pinagsisisihan ko ngayon."

Napangiti lang ako. Gustuhin ko mang tumuloy ang usapan namin pero nag-ring ang cellphone ni Ivo at lumayo ako nang kaunti. Wala naman akong balak makinig sa usapan (kahit mayroon naman talaga) kung ayaw niyang marinig ko pwede naman siyang umalis.

"Nasa labas pa ko... I don't know yet... we'll see... but maybe not?... I'll text you later."

"Hinahanap ka na ng girlfriend mo?" tanong ko kahit takot na takot akong malaman ang sagot.

Natawa siya. "Hindi ah. Mommy ko 'yun. Tinatanong kung uuwi daw ba ko."

"Uuwi ka ba?"

"Hindi ko pa alam."

"Bakit hindi mo pa alam?"

"Baka wala ng space."

"We'll make space."

Nakatingin lang siya sa'kin. Omg. Ito na ba? Ito na ba ang greatest mystery kay Ivo? Hindi niya feel na belong siya?

"Tara na uwi na tayo!" sabi ni Ate Chloe. "Inaantok na daw kapatid ko kakahintay."

Mabilis kaming bumalik sa loob at pumunta sa bahay nila Ate. Sakto lang ang bahay. Dalawang floor at may maliit na hardin sa unahan. Sa second floor daw kami matutulog. Ang iba sa salas at ang iba ay sa kwarto ni Ate Chloe.

"Lamigin ako. Sa salas na lang ako," sabi ko kay Ate habang nalalapit kami. "Wait, Ivo wants to stay, by the way."

"Ah! Oo naman. Sige sige!"

Pakiramdam ko kasi kailangan ko siyang tulungan sa parteng iyon. Bumaba na kaming lahat sa kotse at ito namang si Ivo hindi maintindihan kung ano.

"Tara na nga," pagkapit ko sa braso niya. Kung maglakad kasi akala mo lulubog 'yung susuning niyang tatapakan.

Tahimik kaming nag-ayos nang mahihigaan. Tulog na kasi ang mga magulang ni Ate Chloe. Sa sofa ako ng salas matutulog sa labas ng kwarto. Dahil gentledog si Stephen, doon daw siya matutulog sa sahig sa loob ng kwarto dahil gusto niya ng aircon. Sumama naman sa'min si unnamed guy sa labas. Si Sarsi, sa kabilang sofa sa salas matutulog. Baka daw kung anong mangyari sa'kin kapag iniwan ako kasama ng dalawang lalaki.

And so then, lahat kami magpapahinga na.

Madilim sa salas pero pumapasok ang ilaw ng streetlight mula sa labas sa daan patungong terrace.

Hindi na ko gumamit ng cellphone at gusto ko na din makatulog dahil maaga pa kami bukas magsisiuwi. Si Ivo din gumamit panandilian.

"Good night," sabi ko sa kaniya. Sa gilid ko lang kasi siya nakahiga.

"Good night."

Pero wala pang labing-limang segundo nagsalita siya ulit.

"Matutulog ka na talaga?"

"Hmm, hindi pa naman. Bakit?"

"Wala. Hindi pa ko inaantok eh."

Umusog ako sa may gilid ng kama at niyakap lalo ang aking unan. "Usap tayo saglit?"

"Okay lang ba?"

"Anong pag-uusapan natin?"

"Kahit ano."

"Hmmm... okay lang ba talaga sa mommy mo na hindi ka muna umuwi?"

"Sanay naman na 'yun."

"What do you mean?"

"Lagi naman talaga akong nasa labas. Nab-bored kasi ako sa bahay. Nakapunta ka na ba dun sa..."

And so... nag-usap nga kami. Kung saan-saan napunta ang usapan. May idadaldal naman pala itong si Ivo.

"Chyanne," sabi niya.

"Hmmm?"

"Tulog ka na ba?"

"Ha?"

Natawa siya. "Sige na nga. Matulog ka na. Good night."

"Hmmm. Good night..."

Hanggang sa may pumisil sa kamay kong lumagpas sa sofa. "Tulog na."

At dahil do'n, mas lalo akong hindi nakatulog.

Char. Di pa kayo nasanay sa kalokohan ko. Hahahaha! Anyway, dito na matatapos ang gabing ito. Move on na ayo sa susunod kong pagi-imagine, ane?

Chronicles ng Babaeng TorpeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon