Chapter 19

1.4K 63 12
                                    

Chronicles ng Babaeng Torpe

Chapter 19

Matapos ang napakagandang ngiti na iyon ni Ivo, hindi ko na naman siya nakita. Nakatapos na ko ng dalawang sine at lahat-lahat sa loob ng isang linggo hindi ko pa din siya nakikita.

Grabe 'yung split second ko lang siya nakita pero kailangan kong unti-untiin 'yun ng ilang araw hanggang sa makita ko na naman siya.

Malamang hinahanap-hanap ko na naman siya. Tuwing lalabas ako ng classroom tingin agad sa magkabilang-dulo ng hallway para lang umasa na makita siya at mabigo kapag wala siya doon.

Ang hirap talaga magka-crush :(

Mas madali pang magka-crush sa celebrity dahil alam mong wala ka talagang pag-asa. Wala din naman akong pag-asa kay Ivo pero at least kapag celebrity hindi ako aasa na makakasalubong ko sila randomly. 

Gong Yoo, punta ka sa Pinas please.

Ilang beses ko nang kinukumbinsi ang sarili ko na tigilan ko na ang pagkakagusto kay Ivo pero shit naman kasi. Ilang buwan na nga lang siya dito eh. Lulunukin ko na pride ko at hayaan ko na lang matapak-tapakan puso ko. Char. I mean, sulitin ko na habang nandito pa siya hindi ba?

Kahit ang hirap na.

Kahit ang sakit na.

Charing.

Chronicles ng Babaeng TorpeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon