Chapter 30

1.1K 49 0
                                    

Chronicles ng Babaeng Torpe

Chapter 30


Of course, dahil nakita ko na naman si Ivo... like after... one month! One month ko na siyang hindi nakita!!! Akalain mong naka-survive ako? Muntikan na nga akong sumuko sa love story naming dalawa. Buti na lang pala hindi.

"Sino 'yang ka-text mo?" tanong sa'kin ni Tecy habang naghihintay kami ng prof ngayong P.E. class. Second to last meeting na namin. Tapos ang dami pang wala. Taga-Biology din 'tong si Tecy at scholar ng school.

"Ah si Blanca," sabi ko. "Nagtatanong kung nandito na daw ba ko."

"Parang blooming ka ngayon," sabi niya.

"Hala, nag-ipit lang naman ako. Ang init kasi." Totoo naman kaya nga nandito kami sa ilalim ng isang ceiling fan.

"Weh, pero namumula ka. Sino ba kasi talaga 'yang ka-text mo?"

"Si Blanca nga!" pagtawa ko. "Pero sige sasabihin ko na sa'yo kung bakit. Nakita ko kasi 'yung crush ko kahapon eh. Kaya ayun..."

"Ayiieeee, sino 'yan ha?"

"Secret!" pagbelat ko sa kaniya.

"Bakit tuwang-tuwa ka? Minsan mo lang ba makita?"

"Oo eh," sagot ko. "Graduating na kasi eh."

"Ah oo nga. Exam na nila noong nakaraan pa. Nagp-practice na lang 'yung mga 'yun."

"Kaya nga eh," sagot ko.

"Oh, sa'n mo nakita?"

"Sa may Wendy's kahapon ng umaga. Nagulat nga ako eh. Ang aga-aga no'n anong ginagawa niya do'n."

"At least nakita mo," pagngiti niya. "Sino nga kasi 'yan? For sure hindi ko naman kilala."

"Hmm, I think kilala mo."

"Weh?! Bio din ba? Sino?! Anong block?"

"Higher batch and no, hindi siya bio."

"Psych 'no?"

"Nope."

"Eh ano? Sabihin mo na."

"Kilala mo nga kasi siya for sure."

"Hala, hindi ko naman kilala lahat ng estudyante sa Science 'no? Dali na sabihin mo na sa'kin."

"Basketball player natin," sabi ko na sa kaniya.

"Ay, wala yata akong kilala do'n. Hindi ako mahilig manood eh."

"Ah alright."

"Anong pangalan?"

"Ivo Campa."

"Ahh! Si Kuya Ivo?"

"Omg kilala mo?!"

"Oo! Nag-block na sa'min 'yun dati," tawa niya nang malakas. "HAHAHA! Sumbong kita."

"HALA. Wag kasi!" pagpigil ko sa kaniya. Biglang lumakas kabog ng dibdib ko. Omg, kilala niya si Ivo?

"De joke lang naman. Pero mabait 'yun si Kuya Ivo. Gwapo nga din. Pinagkakaguluhan din siya sa loob ng classroom eh. Crush din siya ng blockmate ko."

"Ah," mahina kong tugon. Sabi na hindi lang ako ang nahuhumaling sa kaniya.

"Madalas lang late sa class," dugtong niya pa.

"Ah, oo!" pagtawa ko din.

"Paano mo siya naging crush?"

Heto na... inom na muna ba kong tubig dahil ikkwento ko na 'yung talambuhay ko sa kaniya? Kinwento ko nga sa kaniya. Simula't sapul. Ang tagal kasing dumating ng mga blockmate namin dito at ayaw magsimula ng prof namin dahil ang onti lang namin. Kaya ayun... napadaldal na ko.

"HAHAHA," pagtawa ni Tecy. "Sayang ka 'te! Dapat kinaibigan mo na! Mabait naman 'yun! Sa likod ko nakaupo. Matalino din pero mukhang tamad."

"Oo nga eh, 'yun din naisip ko sa kaniya."

"Magaling din magsalita kapag recitation."

Napangiti ako. Ang sarap pala sa feeling na may mga nalalaman akong bago tungkol sa kaniya na hindi lang puro pisikal. It feels nice to hear about him. Matapos ang isang buwan ng tagtuyot para naman akong binabagyo ni Ivo ngayon.

"Mabait talaga. Wala akong masabi. Kapag may groupings sasabihin lang namin 'Kuya Ivo, sa group ka namin ha?' 'Game,' sasagot niya sa'min. Gano'n. Tapos isang beses inasar namin 'yung blockmate namin. Birthday niya kasi no'n. Eh sakto may klase kami kasama si Kuya Ivo sabi namin sa kaniya tabihan niya 'yung celebrant. G naman siya. Sabi niya, 'Sino ba?' tapos tinuro namin. Ayun, do'n talaga siya umupo."

Natawa kaming dalawa. "Alam niya na ang gwapo niya eh 'no?" pagbibiro ko.

"Oo," pagtawa din ni Tecy. "Hay nako, pero nakakaloka ka pa din."

Bigla namang bumaba ang sikmura ko. "Wala eh," nalulungkot kong sabi. "Gano'n talaga."

"Sayang talaga! Dapat kasi kinausap-kausap mo gano'n. Hindi naman snob-ber 'yun."

"Nakakahiya kasi."

"Eh 'wag ka na kasi mahiya!" sabi niya. "Kapag nakita mo siya ha, I dare you--"

"Ayoko niyan!" pagtawa ko na na kinakabahan.

"Mag-hi ka lang!"

"Ayoko!"

"Sige, bahala ka. Pagsisisihan mo 'yan. Malapit nang maubos oras mo."

Pag-uwi noong hapon na iyon... habang nakahiga sa kama napaisip ako sa sinabi sa'kin ni Tecy. Alam ko naman na malapit na talagang mag-times up kay Ivo. Hindi ko naman ide-deny na nanghihinayang din ako sa mga pinalagpas kong pagkakataon. Pero sino ba naman kasi talaga ako para kausapin siya? Noong mag-blockmates din naman kami hindi din naman kami nag-uusap.

Nakakalungkot lang.

Inisip ko din ang dare niya.

Gawin ko kaya 'yun?

Oh well, it's not like makikita ko pa ulit si Ivo. Right?

Chronicles ng Babaeng TorpeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon