Chapter 22

1.5K 67 8
                                    

Chronicles ng Babaeng Torpe

Chapter 22


Thursday ngayon at P.E. day na naman as usual. Makikipagsapalaran na naman ako sa relos ko sa kagustuhan kong makasilay. It's game day at nag-lunch muna kami bago ako bumalik sa dorm ko at nagpalit ng uniform. Syempre, kasama ko ang dakilang wing-woman ko na si Mage.

Alam ko namang nakakahiyang manood nang manood ng game. Lalo na kapag namumukaan ka ng players. Syempre, iisipin nila na isa sa kanila sinisilayan mo. Kahit na totoo syempre ayaw mong ganoon ang isipin nila. Baka kasi bigla na silang magpabebe kapag nandoon ka.

At ito na nga ang araw na kinakatakot ko. Ang konti ng tao sa gym. Palibhasa kasi oras pa ng klase ngayon at mukhang boring ang labas. Science versus Law School. Sure win, ika nga nila.

Pero shit. Dahil nga konti lang ang nanonood, heto na. Dito na lumalabas ang mga obvious.

Hindi ko yata na-kwento pero kung babalikan niyo sa "Text Log #8" may binanggit ako doon na friend ko from Psych na naging blockmate din ni Ivo dati. Well, you see, 'yung blockmate ng friend ko na 'yun tatawagin natin siyang "Ms. Psych" nandoon din siya. Patay na patay daw iyon kay Ivo Campa.

Noong huling game ng Science na hindi ko natapos, lumapit ako sa friend ko from Psych para magtanong kung anong results. Hindi daw nag-tweet ni si Ms. Psych tungkol sa game kaya sure siya na natalo.

But I never thought na ito pala si Ms. Psych. 

Nakikita ko na siya sa hallways. Matagal na. Ang angas niya kasi maglakad eh. Para bang sa kaniya na ang lupa. Sa totoo lang nagagandahan ako sa kaniya. Bagay sa kaniya 'yung kulot niyang buhok. Payat siya at morena at maliit ang mukha. Mukhang mataray pero 'yung tipong mabait kapag naging ka-close mo.  

Alam kong member siya ng staff ng Science Student Council. Siguro nandito siya for documentation purposes. Kasama din niya ang isa pang blockmate niya. Nandoon sila sa kabilang banda ng court at kami ni Mage ay nanatiling nakaupo sa may bleacher sa may gate ng gym.

Manood lang naman kami. Wala namang masama di ba?

At ayun na nga si Ivo. Hay... just seeing him makes my heart melt. Pwede ko siyang tignan nang tignan dito dahil nasa court siya. Sana lang hindi ito ang huling laro niya na mapapanood ko.

Sanay na kong hindi siya masyadong gumagalaw sa court. Pero iba ngayon eh. Pumo-points siya at nakikipagbakbakan para sa bola. Na-inspired yata. Nakita na ko eh. Lol.

Binababad ko lang ang mata ko sa kaniya pero minsan nanonood din ako ng game dahil makahalata na siya. I look at him when he's not looking. Ang cute niya talaga. Parang ang sarap niyang pisilin?

"Uy, fifteen minutes na lang time mo na. Uuwi pa ko," sabi ni Mage.

"Wait lang," protesta ko. "Five minutes, please."

Five minutes. Five minutes na lang.

And I am telling you it is worth it.

Nandito sila sa harap ko ngayon. Nasa ilalim ng basket. Binato ng isang player ang bola. Hindi pumasok. Tumalon si Ivo para sa rebound. Nakuha niya ito at umikot siya sa palabas mula sa kanan ng court. Pero habang nagd-drive papuntang kaliwa, na-out of balance siya.

He takes rushed steps to regain his balance.

Dahil kung hindi...

...baka nahulog na siya sa'kin.

Aaminin ko. Tumigil sa pagtibok ang puso ko. Inabot ng mata ko ang nag-aalalang Ms. Psych. Napatayo ito mula sa kinauupuan nang makitang dadausos na si Ivo.

But it never happened. Ivo regained his balance. The ball went outside. The players rushed to the other court. Iniwan na ko ni Ivong luhaan..

Charot! Hindi lang makahinga.

"Hoy, okay ka lang?" natatawang paghampas sa'kin ni Mage. "Sayang hindi tumuloy. Sana nasalo mo na siya."

"Sasaluhin ko naman talaga siya," bulong ko.

"'Yun 'yun eh!" pagtawa niya. "Tara na nga! Anong oras na oh! Naiinitan na ko."

Pinagbigyan ko na siya. Ayoko din namang ma-late para sa P.E. class ko. Wala naman akong balak ma-F.A.

Paglabas ko nakasalubong ko si Psych friend.

"Uy! Ba't hindi ka pumasok?" tanong ko sa kaniya.

"Wala, napasilip lang ako. Maganda ba game?"

"Boring nga eh," sagot ko.

"Nandiyan naman pala si Ms. Psych. Sa kaniya na lang ako makikibalita mamaya. Patay na patay talaga kay Ivo eh. Full support haha! May class ka pa?"

"Yeah, P.E.," sumimangot ako. "Una na kami. Male-late na ko."

Habang naglalakad, napapaisip na lang ako kung ano bang mayroon kay Ms. Psych na 'yun. Getting closer na ba siya sa pagiging girlfriend ni Ivo?

I have to know. Mabuti na lang at may kaibigan akong malapit sa kaniya.

Chronicles ng Babaeng TorpeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon