Imagination #15

992 37 1
                                    

Chronicles ng Babaeng Torpe

Imagination #15


Babala: Pawang imahinasyon lamang. Huwag idagdag sa kabuuan ng mga tunay na pangyayari.


Recently, naging paborito na namin ng mga ka-dorm ko ang pagkain ng Takoyaki sa street namin. Matagal siyang lutuin pero masarap kaya hindi din namin matiis.

Ganyan naman eh. Kung gusto mo kaya mong magtiis.

Charot.

Oo na, kutos na. Humuhugot pa ko.

Mura lang din naman kasi 'yung pagkain kaya ang daming bumibili. Dapat nga kami ang maging model ng business na 'to eh. Tuwing kami bumibili dumadami tao. To think na gabi na at wala na masyadong estudyante sa kalye.

Kakatapos lang namin maghapunan nang pumunta kami sa bilihan. Nandito lang naman sa tapat ng gate ng school namin at malapit lang.

Nags-cellphone pa ko habang naghihintay. Ayoko kasi makinig sa kwentuhan ng mga ka-dorm ko at inaantok na din ako. At tsaka, nauna na kasi ang isa kong order kaya habang hininhintay ang iba pa namin order, kumakain na ko.

Gano'n talaga kapag matakaw.

Wala naman akong interes sa kung sinong nagsasalita hanggang sa marinig ko ang isang suave at malalim na boses.

"Sigurado ka?" tanong nito.

"Oo nga, masarap daw eh," sagot naman sa kaniya.

Napataas ang mga mata ko para silipin kung sino ang lalakeng nasa tabi ko.

At muntikan na kong mabilaukan.

Si Ivo Campa.

Wtf, ang pangit ko pa naman ngayon. Naka-pajama lang ako at faded na tshirt. Oh dhfasdjf nakwejiam.

Umiwas na lang ako. Hindi naman niya siguro mapapansin na nandoon ako. Gusto kong sabihan ang mga ka-dorm ko na nandito si Ivo pero hindi ko alam kung paano gagawin 'yun nang hindi sobrang obvious. Wtf.

Mamaya ko na nga lang sasabihin. Sana lang nakita na nila ang buong mukha ni Ivo para matanong ko sila kung gwapo din ba sa paningin nila.

"Miss, masarap ba?"

Wait, ako ba kinakausap niya? Hindi pa muna ako tumingin na mga 0.5 seconds baka naman kasi hindi naman pala ako 'yun tapos isipin niya pa na assuming ako.

Pero ako lang naman 'yung malapit sa kaniya.

So tinignan ko siya.

And he is looking right back at me.

"Hmm-hmm, masarap. Gusto mo tikman?" sabi ko.

SHIT! Did I really offer him food?

"Wag na. Nakakahiya," sabi niya nang nakangiti.

"Sa'yo na 'tong last." Umayos ako ng tayo at tinuhog ang huling piraso. Medj mainit pa naman ito. It's the best temperature. Pero sobrang lambot nito kapag tinuhog mo 75% chance malalaglag na ito.

"Ah," I say to him.

"Di nga?" tanong niya.

"Yeah, yeah! Bilis—bilis—bilis—bilis!"

Eh ang tangkad niya nga 'di ba? So paano? Edi hirap ako ng slight. I don't mind though. Cute kami eh.

Binuksan naman niya ang bibig niya at sinubo ko na sa kaniya at takoyaki.

"Good?" tanong ko sa kaniya habang ngumungiya siya.

Tumango naman siya. "Kuya, tatlong order po."

"Kuya, advertising fee," sabi ko kay Kuya na nagtitinda.

Tinawanan lang ako. Psh. Seryoso kasi ako.

"Kiss na lang daw kayo ni Sir," sagot nito sa'kin.

"Ay grabe!" reaksyon ko na kaagad.

Kahit si Ivo natawa din at ang kasama niya.

"Hoy, ikaw Chyanne, ah?" sabi ni Ate Billy.

"What?" I ask, shrugging my shoulders.

Napailing na lang din ako.

I'd take that kiss though.

Chronicles ng Babaeng TorpeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon