Imagination #14

1K 40 4
                                    

Chronicles ng Babaeng Torpe
Imagination #14


Babala: Pawang imahinasyon lamang. Huwag idagdag sa kabuuan ng mga tunay na pangyayari.


Continuation of  Imagination #11


So... friends na nga kami ni Ivo m'loves sa Facebook. Sa panahon ngayon diyan na tayo nagiging breezy eh. Of course ayaw mong matapos ang conversatoin niyo ni crush. Na-tempt na nga ako na magkunwaring tulog na para bukas ko na lang siya rereplyan with new topics prepared. Ganern.

Pero hindi ko matiis. Gusto ko lang kasi siyang kausapin eh.

Kaso dumating na kami sa punto na kailangan na naming matulog.


Ivo: Antok na ko.

Me: Sleep ka na ☺️

Ivo: Sige.


As mush as I hate it. Purita si crush sa emoji. Sakit sa heart 'no? Parang hanggang chat napaka-mysterious niya pa din?

Pero shocks.

Ano bang ginawa ko?! Why did we hit a conversation-ender?! Anong kalokohan 'yan, Chyanne?! Ughhh.

Nagpapadiyak na lang ako sa kama sa inis hanggang sa mapagod ako. Ano ba kasing kagagahan na naman 'yun? Hay.

"Hay," bulong ko sa sarili. Pinagpawisan na ko ng slight sa pagkilos ko. Okay lang, mabango naman ako.

Dumapa ako at inabot ang phone ko. Nag-tweet.


"Somebody help me sleep. Somebody bid me good night."


Nagpatay na ko ng ilaw at pumikit. Kinakantahan ko na ang sarili ko para makatulog ako. Ayaw kasing tumahimik ng utak ko sa kakaisip ng mga pwede ko pang mai-topic kanina. Shunga ko talaga.

Bakit kapag may hindi tayo nagawa lagi nating iniisp kung anong mangyayari kung nangyari nga 'yon?

We want to get results eh. So, para hindi matin iniisip 'yang mga bagay na 'yan... we should just do what we want to do. Hayaan mo na muna 'yang consequences kung ikatatahimik naman ng konsensiya mo ang kapalit.

And maybe that's what Ivo did.

Nag-notifs ang phone ko. Biglaan akong napatingin. Huh? Sino 'yun?


Ivo: Number mo?

Me: Ha? Why?

Ivo: I'll bid you good night.


*insert bok joo kinikilig face

Mabilis kong tinype ang number ko at...

...*phone call sound


Ayan naaaaaa! Sunoooooggggg!

"Weee youuuu wee youuu."

Char.

"Omigosh, wait lang puso ko. Wooh. Ehem, ehem," sabi ko bago pinadulas ang akong daliri sa screen at sinagot ako tawag. "Hello?"

"Hello?"

OH SHIZ. IVO SHIZ KA 'YUNG BOSES MO OMIGOSH NALUSAW NA LAHAT.

Ivo Campa

Jusq 'yung boses niya. Why so husky, babe? Ugh.

"Hi." Masyado akong kinikilig para pansinin ang kagagahan na lumalabas sa bibig ko.

Literal na naririnig ko ang ngiti niya. "Patulugin na ba kita?"

Hmmm. Enebe wag mo muna ko patulugin. Landiin mo muna ko.

CHAROT.

Ang harot. Nakakainis. HAHAHAHAHA.

"Good night?" sabi niya.

"Bakit patanong?"

"Gusto mo na ba matulog?"

"Ikaw magpapatulog sa'kin. You decide."

"Hmmm..."

"Antok ka na ba?"

"Kinda."

"Tulog na tayo?"

"Sasabayan mo ko matulog?" he asks.

"I've got nothing better to do."

"Sige. Sleep na tayo."

"Good night...?"

"Good night," he says.

Then there's just silence. Ayokong ibaba. Gusto ko diyan lang siya.

At hindi niya rin binaba.

Gusto niya rin na nandon ako.

Keme.

Chronicles ng Babaeng TorpeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon