Chapter 9

2.1K 114 6
                                    

Chronicles ng Babaeng Torpe
Chapter #9

Present Time. (Ang araw na muli kong nakita si Ivo.)

Iyon na nga ang huli naming pagkikita ni Ivo. Naka-move on na ko sa pagka-crush ko sa kaniya at may dumaan na din na lalaki sa buhay ko.
Tinanggap ko na ang katotohanan na hindi na kami magkikita ulit. Okay labg naman para sa'kin. Kapag naman may nakita akong gwapo palit agad. Iyon na nga ang nangyari.

May bago na kong crush. Isa ding irregular student sa Filipino class. Si Maui na kamukha ni Mario Maurer. Hindi niya kasing tangkad si Ivo but good enough dahil mas matangkad siya sa'kin.

Kaka-annouce lang ng isa naming performance task at medyo nam-mroblema na ko kung anong gagawin ko dahil sa pageant part ako nasali. Binibining Pilipas ang kailangan naming gayahin.

Alam ko namang mukha akong beauty queen (char) pero hindi ko naman hiniling na masali talaga ako sa pageant! Ayoko talaga nang nagbibihis ng gown kung ano-ano. Kairita.

Pero dahil ako si Chyanne, tatawanan ko na lang ang sarili kong gagawin. Kaya kung ano-anong biro ang sinasabi ko kay Mage habang naglalakad kami palabas ng classroom.

Tawang-tawa pa ko sa sarili kong mga biro nang ilapat ko ang palad ko sa pintuan. Itinulak ko ito at lumaglag ang ngiti mula sa aking mga labi.

Si Ivo.

Bakit kung kailan ayoko na tsaka siya biglaang nagpakita? Inintay ko siya! One week nang magsimulaang semester na 'to. Tinignan ko kung may schedule ba kami na magkakatama na makikita ko siya sa loob ng building.

Ngayon ko lang siya nakita! Bakit ngayon pa? Bakit ngayon lang?

Saktong pagbukas ko ng pinto at ang pagharap naman niya sa'kin. Mabilis na nagtama ang aming mga mata.

Nagtitigan kami. Mga two hours... char. Two seconds lang!

His eyes go soft when he recognizes me. Nakita ko iyon sa mga mata niya. Bumagal ang tibok ng puso ko. Dugdug. Dugdug. Dugdug.

Say something, Chyanne!!

Heto na. Babatiin ko na siya.

Heto na.

Pero ewan ko ba sa katawan ko at mas pinili nitong umiwas ng tingin at maglakad palayo.

Shit. Shit. Shit.

Tanga ka talaga, Chyanne.

Stupida. Idiota.

"Errrrr!!"

"Hoy, baka makalmot mo 'yang mukha mo," pagsaway sa'kin ni Mage na naglalakad na sa tabi ko. "Anong nangyari sa'yo?"

"Wala," mataray kong sagot. Nag-iinit ang mga pisngi ko sa hindi malamang dahilan.

"Sus," sagot nito at inakay na ko. "San ka?"

"Babalik ng dorm. Matutulog ako," nagdadalumhati kong sabi. "Joke. Punta muna pala akong simbahan."

"Oh sige, ba-bye na."

Humiwalay na ko kay Mage. Magkaiba kasi ang aming dadaan. Habang naglalakad, iniisip ko kung gaano ako katanga. Ugh, Chyanne. Bobita ka talaga minsan.

"Ugh," mahina kong sabi sa sarili ko. Napakatok pa ko sa sarili kong ulo bago ako pumasok sa simbahan.

Lumuhod ako at nagdasal. "Lord, bakit po gano'n? Bakit niyo naman biglaang pinakita sa'kin 'yung kumag na 'yun? Ayoko na nga po sa kaniya hindi ba? Isa't kalahating buwan na ang lumilipas tapos biglaan niyo po siyang ihaharap sa'kin? My gulay! May bago na nga po akong crush eh, di ba? Huhu. Bakit po ganito? Ang bilis na naman ng tibok ng puso ko. Oo na po, ang gwapo niya. Sobra. Hay. Pero bakit po? Bakit?!"

Madami pa kong pinagdasal bago ako namaalam sa Bahay ng Diyos at bumalik ng dorm ko na nagdadalamhati pa din.

Ang pogi ni Ivo. TALAGA. To the point na nakakainis na.

At itong pagkikita naming ito ang una. Pero hindi iyon ang huli.

Chronicles ng Babaeng TorpeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon