Chapter 5

2.8K 144 18
                                    

Chronicles ng Babaeng Torpe
Chapter 5

4th to last meeting History Petition Class

Kung sira ulo ka talaga may mga hindi pwedeng bagay na ipipilit mo pa din.

Natapos na ang prelims namin. Hindi ako nag-review pero pumasa ako. Nagkaroon na naman ng mga boring na report. Na-roast na ‘yung iba kong block mates dahil kulang ang research nila. Hindi pa din nagre-report ang magaling kong crush. Baka nga hindi na sila maabutan dahil anong petsa na.

Ewan ko ba kung anong sumapi sa’kin noong gabing in-announce na magkakaroon kami ng finals project. Minimum of ten persons, maximum of thirteen. Pagkarinig ko no’n alam kong kailangan ko talagang kumilos.

Bibilang na lang ang mga araw na makikita ko si Crush. Sulitin ko na, hindi ba?

Tinapik ko si Ate Chloe na nakaupo sa harapan ko. “Ate, group na tayo. Itong dalawang row para hindi na mahirap. Okay lang?”

“Hmm, sige lang. Tanong natin sila.”
Kinausap naman ni Ate Chloe ang ilan pang nasa unahan namin. Hindi ko akalain, pero pumayag sila sa plano ko. Akalain mo nga namang jumackpot ako at nakuha ko si Crush? Hahahahaha! (Char, akala mo nakuha ko talaga eh no?)

Excited ako (malamang haha). Kinikilig pa ko ng slight. Shit. Makakasama ko pa siya. Extra time. Hay, mah heart. Kahit na ‘yung report namin ‘yung gagamitin at malamang punong abala na naman kami sa pag-aayos ng mga kailangan… ay deadma.

Nandiyan naman si Crush, magrereklamo pa ba ko?

Ang kailangan naming gawin ay mag-script writing dahil twenty minutes ang performance with all the costume and shit. Pero ire-record namin iyon. Papanoorin na lang ng prof namin kung kailan na lang siya may pakialam sa’min.

We setup the dates. Planned the group chat.

The meetup place. The meetup time.

At kung kailan ‘yung kasal namin.

Charot.

Chronicles ng Babaeng TorpeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon