Chapter 12

1.8K 92 0
                                    

Chronicles ng Babaeng Torpe
Chapter 12

Bakit gano'n? Simula nang makita ko si Ivo ulit sunod-sunod na. Bakit?! Bakit bumabalik na naman siya sa buhay ko? Anak ng ano naman talaga oo.

Almost instantly, after ko siyang makita kasama si Mage, nakita ko na naman siya kinabukasan. Saya, 'di ba? Pero ngayon hindi si Mage ang kasama ko. Isa ko pang kaibigan na si Blanca. Pupunta kami sa P.E. class na ngayon lang namin papasukan.

"Puro absent na tayo, bez," pagtawa niya sa'kin habang naglalakad. "Ilang absents ba pwede sa'tin?"

"Hindi ko nga alam eh. Kaka-start palang ng sem natin wala na tayong magagamit na absent sa finals period," sumabay ako sa tawa niya.

"Oo nga eh, galing kasi natin."

"Sana naman maging considerate 'yung prof. I mean, like, kita naman niyang galing tayo sa ibang college," natawa ako. Hindi naman kasi vaild 'yung rason na 'yun dito sa'min.

Tawa-tawa pa kami habang gumagawa ng mga kung anong pwede naming excuse kung bakit ngayon lang kami papasok ng P.E. class.

Sabay nag-Omg! 'yung puso ko. Ivo Alert. IVO ALERT!!!!!

"Oh shit. 'Yung crush ko."

"Saan, saan?!" tanong ni Blanca habang lumilinga sa paligid.

"Sa kaliwa mo."

Dumiretso ako sa paglalakad tapos napansin kong nawala sa tabi ko si Blanca. Asan na 'yun?!

Biglaan namang lumitaw sa kumpol ng mga tao. "'Yung Science?" tanong niya nang nakangiti.

"Oo," pagbukang-bibig ko sa kaniya. Shit. Nandiyan lang si Ivo paano kung marinig?!

"Taray ha," sagot niya at sumabay na sa paglalakad. "Anong major no'n?"

"Chem."

"Chem?! Galing ah."

"I know right."

Makita ko lang talaga si Ivo buo na ang araw ko 😍❤ hay. Ang refreshing niya makita. Para bang na-defibrillator 'yung puso ko. Hayyyyyyyy. Ang sarap mabuhay.

Pero mas sasarap ang buhay ko kung makakausap ko siya hahahahaha.

Mage and Blanca knew.

Pero hindi lang sila ang nakaalam.

Sa susunod na chapter, ikukwento ko ang isa sa mga revelations tungkol kay Ivo.

Chronicles ng Babaeng TorpeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon