Chapter 21

1.3K 68 6
                                    

Chronicles ng Babaeng Torpe
Chapter 21


To be thankful for this day is not enough. Iyong report na paulit-ulit nang na-move natapos ko na din sa wakas. Iyon 'yung huling subject ko for today. Finally!! A breathed of fresh air! Para kasi akong hindi makahinga tuwing pumapasok ako sa klaseng 'yun. Ang toxic dahil hindi ko alam kung paano ako makakapag-report sa kaniya.

Tuwing Monday, Wednesday, Friday afternoon may anxiety ako na baka kami na ang mag-report. So I get sleepless nights every Tuesday, Thursday, and Sunday. Medyo shit na lang talaga na ganoon. Kaya kung may reporting, piliin niyo nang mauna para less hassle at tapos agad. Save ka din sa mga sermon ng prof dahil kayo ang una, most of the time, it is okay to make mistakes.

Because God is good, he gave me a reward. The most fulfilling one sa totoo lang.

Dahil nga't nakakahinga na ko ng maayos, confident na kong lumabas ng classroom. The last of my worries are gone! Finals na lang ang kailangan at tapos na ko sa school year na 'to! Thank you, Lord!

TInulak ko na pabukas ang pinto, syempre. Parang tatawid lang sa kalye, left and right muna para tignan kung nandoon si Crush.

To the right, nope.

To the left, YES!

Oh my God!!!!! Mah heart, mah soul! Para akong na-defibrillator 

Si Ivo!!!! Hay.

Nakita ko na naman siya. Yieee!! Ang cute talaga!!! Para siyang awkward na batang umiiwas sa mga tao habang naglalakad sa may gilid ng hallway.

Agad na kong napangiti at humarap sa kanan ko at naglakad na. Nagp-phone ako para may rason para lang bumagal ang paglalakad. Gusto ko lang naman siyang makasabay sa paglalakad kahit saglit.

Pero ang bagal niya. Ts. Makikita ko pa naman siguro siya, di ba?

Pag-angat ko ng tingin...

"Oh, Chyanne!" sabi ni Ate Minnie.

"Ate!"

"Tapos na class mo?" paghawak niya sa bisig ko.

"Yup, ikaw? Hanggang six ka pa?"

"Oo eh," paglukot ng maganda niyang mukha. Tapos nakita kong lumitaw ang mata niya sa likudan ko. "Uy si Ivo oh," bulong niya.

"Nakita ko na." Alam kong mukha na kong gago sa pagngiti ko pero wala akong paki.

"Nakita ko na rin siya kanina eh noong kumuha ako ng tubig."

"Oh?" tapos naalala kong naglalakad nga pala si Ivo. Shit, I have to go. "Punta pa kong church, bye!"

Bumeso ako sa kaniya at akmang lalayo na. Nakita ko kasing nandoon na si Ivo... sa likod namin! Meaning nakaharang na kami sa daan niya. 

Hinatak ko ang kamay ko kahit na ang higpit ng kapit sa'kin ni Ate Minnie. Jusq, ano na namang kahihiyan 'to? Mamaya maisip niya pang nagtatago ako sa kaniya. (Kahit nagtatago naman talaga.)

Paglabas ko ng building, isang malaking paghinga ulit.

"Wooh! Thank you, Lord!" dasal ko nang nakaluhod na ko sa simbahan. "Salamat po sa split second. Promise po hihimayin ko 'yung alala na 'yun hanggang sa makita ko siya ulit. Thank you po sa paggabay sa'kin sa report ko kanina at sa mabilisang award. Maraming salamat po! Holy Week na po next week, thank you po na pinakita niyo siya sa'kin. Happy na po ako. Bukas po may game sila. Okay lang po na matalo basta sana po walang ma-injured sa mga players..."

Ang haba pa ng dasal ko at paglabas ko ng simbahan mas lalo pa kong na-good mood. Para na kong nasa langit. Hays.

At oo, bukas. Sisilayan ko na naman siya.


❤ ❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤            


Kat's note: I have decided to continue this after all. Wah na kayong makulit hahaha! Jusq, hindi ko nga alam kung tama nga ba 'tong ginagawa ko. Hahaha! Pero kasi ayaw ko naman na mabitin kayo sa crush life ng friend ko at gusto kong malaman niyo kung anong nangyari sa kanilang dalawa. HAHAHA.

Maybe kung hindi sumikat 'tong story na 'to baka i-delete ko siya by end of August? Haha. Gusto ko lang talaga malaman ng mga naunang readers kung anong conclusion ng story. 

See you on my next updates ❤

Chronicles ng Babaeng TorpeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon