Chapter 8

2.2K 114 13
                                    

Chronicles ng Babaeng Torpe
Chapter 8

Finals Exam Day History Petition Class

Heto na. Huling araw na. Tuesday, 6-9pm. Sa second floor.

Ang huling pagkikita namin ni Ivo.

Paalam naaaa aking mahaaal. Kay hirap sabihin...

Lol. Akala mo naman mahal ko talaga. Hindi ba pwedeng crush ko lang talaga siya?

Ito kasi hirap sa'tin. Kung mahal mo, pwedeng crush mo din. Pero kung crush mo lang, crush mo lang. Kaya nagkakaroon ng heartbreak sa crush eh.

Wag mo kasing mahalin. Lalo na kung wala naman kayong chance. 👀

HAHAHAHA ARAY HA ANG SAKIT TINAMAAN AKO DO'N NG SLIGHT.

Lol. Pero hindi ko talaga siya mahal. Crush lang. Intiende?

Sobrang pagod na ang utak ko. Maghapon ba naman akong nage-exam. Exam pa namin sa major kanina kaya wala na talaga akong ipipiga sa History 101. Pang-apat na exam ko na 'to ngayong araw! Honestly, hindi ko alam kung bakit buhay pa ko.

Char. Sisilayan pa daw kasi ako ni Ivo kaya buhay pa ko.

Luh siya, akala mo 'yung crush niya 'yung may crush sa kaniya eh 'no? Ambisyosa.

Pero sa totoo lang, inalay ko talaga 'tong History 101. Tinatamad talaga akong aralin. Nahawa na ko sa katamadan ng prof ko mag-lecture. Galing eh. Dami ko natutunan sa kaniya.

Para na kong lasing dahil wala na sa wisyo ang utak ko. Hindi naman din daw nag-review sila Ate Chloe kaya ayun... nakikipagdaldalan na lang ako sa mga never ending nilang patawa.

Pero habang nagkukulitan kami, naalala ko na naman pinagagawa ni Ate Chloe kay Ivo ko. Hmm, lumipad tuloy bigla utak ko. Iniisip ko kung ako 'yung nag-aayos sa kaniya noong araw na 'yun (next story part: Imagination #3).

Tangina, bakit ba kasi hindi na lang ako 'yung nag-ayos sa kaniya?! Bobo move na naman ako do'n.

Ayoko lang naman kasing magmukhang maniyak, 'di ba?

Hala, pero wait. Ba't wala pa si Ivo? Magsisimula na ang exam namin pero bakit bakante pa din ang upuan niya?

Nakapagsulat na ko ng pangalan, nakapag-scan ng questions (wala yata akong masasagot) pero wala pa din si Ivo.

Hala? Last day na namin ngayon tapos hindi pa siya magpapakita sa'kin aba naman.

Naga-attendance si Prof nang tawagin ng prof si Ivo mula sa listahan niya.

"Campa?"

Muntikan na kong sumagot ng "Present, ma'am."

"Wala pa po," sabi ni Derek. "May exam pa po kasi bago dito."

"Ah okay, sige. Baka late lang," sagot naman ni prof.

Kakatapos ko lang sa unang page ng exam (lol, tatlo lang nasagutan ko) nang pumasok si Ivo sa classroom.

Patago akong ngumiti. Akala ko ii-Indian-in ako eh. Haha. Akala mo naman may usapan kami 😂

Hindi ko alam kung saan pinulot ng prof ko ang mga tanong sa exam. Walanghiya. Hindi na kasi ako nagbasa ng written reports kaya hindi na talaga ako aasa na may masasagot ako kahit na multiple choice 'to.

Mabilis akong nanghula (wag tularan) at tumungo na lang. Wala namang magbabago kung pakakaisipin ko ang mga sagot na hindi ko naman din alam.

Tumunganga na lang ako kay Ivo nang slight. Nasa kanan ko siya, dalawang upuan ang layo sa'kin. Iniisip ko kung may nasasagot ba siya.

Oo, mas worried ako sa exam niya kesa sa'kin. Char.

Mukhang seryoso siya. Nagsasagot kaya talaga siya o baka naman nanghuhula lang din gaya namin? Hindi naman kasi talaga siya 'yung tipo ng lalaki na nag-aaral para sa minor subjects.

Ang sarap titigan. Pagod na pagod na 'yung utak ko pero parang binobombahan niya.

Naalala ko 'yung group chat namin at kung paanong wala siyang picture sa Facebook. Paano na 'yan, Chyanne?  😭 hindi ko na siya makikita ulit.

Wag kang mag-alala, bulong ng isip ko. Huling gabi mo naman na siya makikita ngayon. Makakahanap ka pa ng mas gwapo sa kaniya. Pakasaya ka na lang sa iilang minutong natitira.

Nakakalungkot sa totoo lang. Kapag ako naman kasi nagkaroon ng crush tinitignan ko kung worth it nga ba. Kapag worth it 'yung lalaki, edi fine. G! He deserves my attention.

Ang kaso nga lang si Ivo... he deserves my attention but I don't know how I will be able to let him know that there is someone like me thinking about him.

Charot. Ang drama ko na. Yoko na nga.

Napasinghap ako.

Bye, Ivo.

Chronicles ng Babaeng TorpeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon