Imagination #11

1.4K 42 8
                                    

Chronicles ng Babaeng Torpe
Imagination #11

Babala: Pawang imahinasyon lamang. Huwag isama sa kabuuan ng istorya.

Lahat namang siguro tayo iniisip kung anong mangyayari kun sakaling mapatingin sa'tin ang crush natin. Ilang beses ko nang pinagisipan 'yan. Kaya nga may mga imaginations tayo eh. Doon na nga lang ako sumasaya eh. Haha. Joke.

So isa sa mga naisip kong araw ay habang naghihintay akong matapos ang isang klase at nakaupo lang sa labas ng classroom. Tahimik at walang tao sa hallway at payapa akong nagbabasa.

Hanggang sa makainig ako ng mga yabag at napatingin ako.

My heart stops.

Si Ivo.

His face is blank as our eyes meet.

What is strange is that he doesn't look away. Para bang hinahamon ako ng titigan. I would easily back down but... I can't take my eyes off him.

He keeps his eyes on me as he walks. His footsteps matches the sudden slow beating pf my heart.

Three steps.

Four steps.

Five steps.

Six.

Seven.

Then on the eight, he smiles at me amusedly and shakes his head before looking at the end of the hallway.

Ano 'yun? Parang tumigil ang oras sa pagngiti niya.

Bakit siya napailing? Hindi ba siya makapaniwala na ang magandang babaeng katulad ko napatingin sa kaniya? Char. Napailing lang siya dahil nagtataka siya kung bakit nakipagtitigan sa kaniya ang isang babaeng mukhang palaka.

"Huy!" sigaw sa'kin ni Blanca. "Ba't hindi ka pa pumapasok?"

"Ha?!" Pagtingin ko sa kaniya. "Ah, wala. Sabi ko nga papasok na ko."

Binuhat ko na ang bag ko at pumasok na sa loob, sigurado na mapapanaginipan ko na naman ang ngiting iyon ni Ivo.

Chronicles ng Babaeng TorpeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon