Chapter 28

1.1K 62 1
                                    

Chronicles ng Babaeng Torpe

Chapter 28


Maaga na-dismiss ang isa namin subject dahil wala naman na kaming dapat pag-usapan pa.

Hala, haha! Hindi tapos na kasi siya magpa-exam so... intay-intay na lang kami ng final grade.

Pumunta kami sa may gilid ng stairs para hintayin lumabas ang prof sa susunod naming klase. "Uy mag-summer ka ba?" tanong ni Mage sa'kin.

"Ha? Pinag-iisipan ko pa. Kaya ko naman kasi i-overload na lang," sagot ko. "Ikaw ba?"

"Hindi eh. Punta ako ng ibang bansa."

"Ah, alright," sagot ko at minataan ang bulletin board na nakatayo sa harap ko. "Ano 'to?"

"List yata ng graduating students?"

"Ha?" lumapit ako at sinilip.

Oo nga, sa ibabaw nakalagay, LIST OF GRADUATING STUDENTS 2016-2017. Microbiology. Biology. Psychology. Chemistry...

Asan na Physics? Bakit wala?

Syete. 

Nasa likod ng board. Ang kaso dalawang magka-dikit na board 'yun. Hindi ko makita ang in between.

Sinubukan kong silipin ang nasa gilid.

Psh. Math. 

ASAN NA PHYSICS?!

GUSTO KONG MAKITA. ILABAS NIYO!

Pasimple kong inusog ang board.

ANG BIGAT. Hindi ko kayang iusog nang hindi nag-iingay!

Pero hindi. I have to see for myself kung bakit nawawala si Apple of My Eye.

So hinatak ko. Kaunti lang. Enough para makapasok ako in between.

Heto na Physics...!!!!!

Cabrera... Callero... Castro... Castillo...

Hala? Walang Campa?

Bakit? Hindi ba siya graduating?

Pero bakit hindi na siya pumapasok? Ang weird lang.

"Ano bang ginagawa mo diyan?" tanong ni Mage sa'kin.

"Wala! Na-amaze lang ako sa mga g-graduate."

"Ah, galing 'no? Tapos na sila. Sana tayo din."

Sana tayo na lang din, Ivo.

Charing.

Pero ang weird pa din.

Chronicles ng Babaeng TorpeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon