Chapter 34

1K 48 0
                                    

Chronicles ng Babaeng Torpe

Chapter 34


Buti na lang at tapos nang makipaglaro sa'kin ang tadhana. Natapos ko na ang sem ko. Nakauwi na ko ng bahay. Nakahiga maghapon. Nagi-internet. Walang magawa kundi isipin kung ano bang dapat kong gawin. Tuloy pa din kami sa pag-uusap ng bago kong kaibigan. I really like him as a friend.

Pero syempre, nandiyan pa din naman si Ivo sa utak ko.

Tapos nang mabitin ang puso ko. To be honest, pagod na din talaga ako. Ilang beses na kong muntikang atakihin sa puso tuwing biglaang sumusulpot si Ivo Campa. Para na kong aatakihin pero hindi matutuloy.

It is the good kind of a heart attack.

'Yung heart attack na masarap dahil alam mong kilig.

Napa-stalk ako sa council page namin. Nag-upload na kasi sila ng pictures ng baccmass at graduation. Hoping lang naman ako na may maligaw na picture si Ivo do'n. Pero dahil the best ang Facebook *note sarcasm* nag-lag bigla ang phone ko sa kakaload ng pictures. Tinamad na tuloy akong maghanap.

Di bale na. Tapos naman na ko.

Tuwing may mga nababasa akong istorya tungkol sa mga ganitong "crush from afar" lagi akong galit sa main character dahil ang shit lang na wala siyang ginagawa.

Pero hindi eh. May mga crush na ginagalawan. May mga crush na hanggang titig ka lang.

At heto ako, tumitig lang.

Chronicles ng Babaeng TorpeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon